Amas, Kidapawan City – Upang matulungang maibalik ang dating sigla at normal na operasyon ng New Israel Zipline sa Brgy. New Israel sa bayan ng Makilala, Cotabato, pormal na nilagdaan ngayong araw ang Memorandum of Agreement ( MOA ) sa pagitan ng pamahalaang panlalawigan, lokal na pamahalaan ng Makilala at Barangay Local Government Unit ng New Israel.
Nakasaad sa nilagdaang MOA na pinangunahan ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliรฑo-Mendoza kasama sina Makilala Mayor Armando M. Quibod at New Israel Barangay Chairman Eduardo Delfin na ililipat na ng lokal na pamahalaan ng Makilala ang pangangasiwa sa nasabing tourist destination sa pamahalaang panlalawigan matapos maantala ang operasyon nito ng ilang taon dahil sa serye ng pagyanig noong 2019 na sinundan ng pandemiya.
Ang paglilipat ng pangangasiwa sa New Israel Zipline na pinapatakbo ng LGU Makilala ay makakatulong sa pagsasaayos ng mga nasirang gusali sa nasabing pasyalan na ipapatupad ng provincial government.
Sa kanyang naging mensahe, ipinaabot ni Mayor Quibod kay Governor Mendoza ang pasasalamat sa suportang ibinigay niya sa bayan ng Makilala.
Tiniyak naman ng gobernadora na tututukan ng pamahalaang panlalawigan ang naturang proyektong pangturismo na ayon sa kanya ay malaki ang potensyal hindi lamang sa pag anyaya sa mga turista kundi sa pagbibigay din ng kabuhayan sa mga tao sa lugar.
Ang MOA signing at turnover of New Israel Zipline Management ay sinaksihan nina Board member Joemar S. Cerabo, Makilala Vice Mayor Ryan Tabanay, Sanggguniang Bayan Members at iba pang imbitadong indibidwal.//idcd-pgo-delacruz//Photoby:SMNanini//