Amas, Kidapawan City- Inorganisa ng Provincial Planning and Development Office (PPDO) ngayong Miyerkules sa Governorโs Cottage, Capitol Compound, Amas, Kidapawan City ang 3rd Quarter Meeting ng Inter-Agency Management, Montoring and Advisory Group (IMMAG).
Bilang IMMAG Chairperson, hinikayat ni Cotabato Governor Emmylou โLalaโ J. Taliรฑo-Mendoza ang aktibong kooperasyon ng mga stakeholders na dumalo sa naturang pagpupulong upang matiyak ang inaasahang pagtatapos ng Malitubog-Maridagao (MalMar) Irrigation project sa darating na Disyembre ng taong kasalukuyan.
Hindi pa rin nagbabago ang hangarin at pagpupursige ng gobernadora na tapusin ang P5.1B MalMar irrigation project, sapagkat malaki ang maitutulong nito upang mapalago ang produksyon ng bigas sa lalawigan, na higit na magpapaunlad ng kabuhayan ng mga rice farmers at magpapasigla sa sektor ng agrikultura.
Kasama si Boardmember Jonathan M. Tabara, tinalakay ng IMMAG ang estado ng nasabing proyekto, kung saan sa presentasyong inihanda ni Acting Project Manager, MMIP Stage II, Engr. Reynaldo M. Sarigumba, inihayag nito ang โ94.38% project completionโ as of August 15, 2023.
Pinag-usapan rin sa pagpupulong ang bagong kaganapan hinggil sa isyu ng โdefective drainage systemโ sa Barangay Bago-Inged na nagdudulot ng pagbaha maging sa mga karatig na mga barangay.
Kaugnay nito, itinakda ng IMMAG ang isang pagpupulong sa darating na Oktubre 10, 2023 sa bayan ng Pikit upang masusing mapag-usapan at maisapinal ang mga interbesyon o hakbangin na isasagawa upang matugunan ang insidente ng pagbaha.
Makakasama sa pulong ang National Economic and Development Authority (NEDA), Department of Public Works and Highways (DPWH), Mindanao Development Authority (MinDA) at iba pang kinauukulan.
Kabilang din sa mga iimbitahan ang mga kinatawan na mula sa โflood-affected barangaysโ na kinabibilangan ng Inug-ug at Talitay sa bayan ng Pikit na sakop ng lalawigan ng Cotabato pati na rin ang Barangay Rajah Muda, Buliok at Bago-Inged mula pa rin sa nabanggit na bayan na napapabilang naman sa Special Geographic Area (SGA) Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.//idcd-pgo-frigillana//photoby:SMNanini,LQGonzales/