Amas, Kidapawan City|- Sa layunin na mapalaganap ang kaalaman para sa mga batang Cotabateรฑo patuloy ngayon sa paggulong ang proyektong Mobile Library on Wheels na inilunsad ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliรฑo-Mendoza para sa mga batang mag-aaral sa lalawigan ng Cotabato.
Ang hakbang na ito ay bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaang panlalawigan na palaganapin ang kultura ng pag-aaral at pagbabasa sa mga komunidad na may limitadong access sa mga aklat at iba pang mga makabagong gamit sa pag-aaral.
Ngayong araw ng Martes ay tinungo ng “Mobile Library on Wheels” sa pangunguna ni Provincial Librarian Aurora P. Nebrija ang 150 na mga estudyante ng Inug-ug Elementary School sa bayan ng Pikit bitbit ang iba’t ibang makukulay at makabuluhang mga aklat at “tablet” para sa storytelling, reading time, film viewing puzzle solving at iba pang mga aktibidad na nagbigay saya at dagdag kaalaman sa mga partisipante.
Ayon kay Nebrija, isa ito sa maraming programa na isinusulong ng pamunuan ni Governor Mendoza para sa kapakanan ng mga batang Cotabateรฑo at bilang pagkilala na rin sa kahalagahan ng edukasyon bilang pundasyon tungo sa maunlad na kinabukasan ng mga kabataan.
Aniya, sa pamamagitan ng naturang programa ay nadadagdagan ang kanilang karunungan at mahasa din ang kanilang reading skills.
Nakiisa rin sa nasabing aktibidad ang Punong Guro na si Anwar M. Acob kasama ang ilang mga guro ng Inug-ug Elementary School. //idcd-pgo/ dalumpines/PhotobyANebrija//