Amas, Kidapawan City- โKailangang magkaroon ng standardized na pagbibigay ng financial assistance package sa mga former rebels (FRs) na susuko sa bawat provincial local government units (PLGUs) at city governments sa buong rehiyon XII.โ
Ito ang naging pahayag at rekomendasyon ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliรฑo Mendoza sa isinagawang Regional Peace and Order Council (RPOC) Meeting na ginanap ngayong araw sa Municipal Convention Hall sa bayan ng Carmen, Cotabato, matapos talakayin ang resolusyon ng RPOC hinggil sa pagbibigay ng ayuda sa mga FRs lalo na ang mga nag cross-border o sumuko sa ibang lalawigan.
Ayon kay Mendoza, kailangang pag-usapan ng RPOC kung magkano at anong mga ayuda ang ibibigay ng mga lokal na pamahalaan sa rehiyon upang maayos at epektibong maipatupad ang programa ng pamahalaan hinggil sa pagtugon sa insurhensiya.
Sinang-ayunan naman ito ni Sultan Kudarat Govenor Datu Pax Ali S. Mangundadatu at RPOC Chair and Governor Tamayo kung saan napagkasunduan na ito ay muling tatalakayin sa susunod na pagpupulong ng konseho.
Personal ding nagpaabot ng kanyang pasasalamat si Tamayo, kay Governor Mendoza sa mainit na pagsalubong at pagtanggap ng lalawigan ng Cotabato partikular na ng bayan ng Carmen sa miyembro ng RPOC na dumalo sa naturang pagtitipon.
Naging sentro din ng naturang pagpupulong ang Audio Visual Presentation (AVP) on Region XIIโs Peace and Order Situation and Insurgency and Violent Extremism ng PNP at AFP; AVP on Peace and Order and Public Safety Updates, Issues and Concerns ng Local Peace and Order Councils at RPOC Members at Proposed RPOC Measures from PPOC South Cotabato.
Nagpasalamat naman si Governor Mendoza, sa lahat ng mga Regional Peace and Order Council members and stakeholders sa pagpili sa lalawigan ng Cotabato na maging host sa 3rd quarter RPOC meeting para sa taong 2023.
Pinasalamatan din nito ang lokal na pamahalaan ng Carmen sa pangunguna ni Municipal Mayor Rogelio Taliรฑo sa suportang ibinigay nito sa pamahalaang panlalawigan.//idcd-pgo-sotto/PhotobySMNanini//