Amas, Kidapawan City| Sa pagdiriwang ng Family Planning Month ngayong buwan ng Agosto, magsasagawa ng ibaโt ibang aktibidad ang Provincial Governorโs Office- Population Gender and Development Division (PGO-POPGAD) katuwang ang Family Planning Organization of the Philippines (FPOP).
Ngayong araw, unang tinungo ng POPGAD at FPOP ang bayan ng Pikit, Cotabato upang magsagawa ng Usapang Maginoo, Usapang Buntis at Usapang Puede pa, na dinaluhan ng 75 partisipante mula sa naturang bayan.
Ang nasabing programa ay naglalayong matulungan ang mga mag-asawa ng tamang family planning method na mahalaga upang matugunan ang pangangailangan ng bawat miyembro ng pamilya. Magiging daan din ito upang mabigyan ng tamang impormasyon ang mga kalahok hinggil sa kahalagahan ng tamang pagpaplano ng pamilya lalo na sa pagtiyak na magkaroon ng magandang kinabukasan ang kanilang mga supling.
Isa ito sa mga programang isinusulong ni Cotabato Governor Emmylou โLalaโ Taliรฑo Mendoza, na naniniwalang nakasalalay sa bawat pamilyang Cotabateรฑo ang kaunlaran ng bawat komunidad sa lalawigan.
Naging highlight din sa naturang aktibidad ang pagsasagawa ng libreng implant insertion at removal, ultrasound at pamamahagi ng contraceptive pills at condom sa mag-asawa.
Ang matagumpay na pagsasagawa ng naturang programa ngayong araw ay pinangunahan ng mga kawani ng POPGAD sa pangunguna ni Division Head Allan Matullano, kasama ang mga personahe ng FPOP at lokal na pamahalaan ng Pikit.
Ang kaparehong aktibidad ay isasagawa rin sa Barangay Kiaring sa bayan ng Banisilan sa Agosto 23 at Barangay Ilustre, Arakan sa Agosto 25, 2023.//idcd-pgo-sotto/PhotobyPOPGAD//