Amas, Kidapawan City| Pinangunahan ngayong araw ni Sangguniang Panlalawigan (SP) Committee on Youth and Sports at Sangguniang Kabataan Provincial Federation President/Ex-Officio Boardmember Sarah Joy L. Simblante ang โPublic Hearing on Proposed Ordinance No.2023-17-014 o ang โProviding for the Development and Promotion of Sports in the Province of Cotabato, Appropriating Funds Therefor and Other Purposes.โ
Ito ay ginanap sa Tuburan Hall, Provincial Capitol Grounds Amas, Kidapawan City na nilahukan ng mga Sports Coordinators mula sa mga lokal na pamahalaan, City/Municipal SK Federation Presidents and Representatives, School Colleges and Universities (SCUs) and Private Schools sports coordinators at Department of Education (DepEd) Elementary and High School Coordinators.
Layunin ng nasabing public hearing na konsultahin ang publiko at iba pang stakeholders tungkol sa nilalaman ng nabanggit na ordinansa upang maayos at epektibo itong maipatupad sa probinsya. Nagbigay daan din ito na mabigyan ng pagkakataon ang mga imbitadong bisita na ipahayag ang kanilang opinyon, ideya, suhestyon at rekomendasyon na makakatulong sa pagsasapinal nito.
Ang paglikha ng isang komprehensibo at napapanahong sports code ay naka-angkla sa 12-point agenda ni Governor Emmylou โLalaโ J. Taliรฑo-Mendoza na Youth Empowerment and Sports Development na nagnanais na bigyang diin ang kahalagahan ng isports sa pagpapanatiling malusog ng pisikal at mental na aspeto ng isang indibidwal.
Sa kanyang pagbisita sa nasabing pagtitipon, inihayag ng gobernadora na mahalaga ang partisipasyon ng mga kabataan lalo na sa pagsusulong ng kaunlaran sa mga komunidad. Kaya naman, nagsisikap ang probinsya na makapaglatag ng napapanahong programa para sa kanila.
Nagpasalamat naman si SK Provincial Federation President Simblante, na siyang pangunahing may akda ng nasabing ordinansa kasama sina Boardmember Ryl John C. Caoagdan at Liga ng mga Barangay/Ex-Officio Boardmember Phipps T. Bilbao sa suportang ipinakita ni Governor Mendoza sa panukala na magbubukas ng oportunidad lalo na sa mga kabataang may angking kakayahan sa larangan ng palakasan.
Pinasalamatan din niya ang mga taong nasa likod ng paglikha ng nasabing sports code na ang inspirasyon ay mabigyan ng magandang kinabukasan ang bawat kabataang Cotabateรฑo.
Dumalo rin sa nasabing hearing si Provincial Advisory Council Member at Sports Code Technical Working Group Member Kerwyn Pacifico at iba pang kawani ng SP.//idcd-pgo-sotto/PhotobySMNanini//