Amas, Kidapawan City – Kuminang ang umaga para sa mga empleyado ng kapitolyo at mga panauhin sa isinagawang Monday Convocation kasabay ang presentasyon at opisyal na pagpakilala sa publiko ng labinlimang (15) magagandang dilag na napiling opisyal na mga kandidata ng Mutya ng Cotabato 2023, isa sa mga inaabangang aktibidad sa taonang Kalivungan Festival ng probinsya ng Cotabato na gagawin ngayong Agosto.
Nagbigay buhay sa simpleng entablado ng Provincial Gymnasium dito ang matatamis na ngiti at kumikislap na mga mata at kasuotan ng tila mga bituing bumaba sa lupa na ikinatawan ang ibaโt ibang local government unit (LGU) at organisasyon sa lalawigan na sina:
#1 Mary Fyl Cadenas Lina – National Movement of Young Legislators-Cotabato Chapter
#2 Faith Izzy C. Bengil โ LGU Alamada
#3 Janice Perez Jickain โ LGU Pikit
#4 Halimah P. Simpal โ LGU Carmen
#5 Kathleen D. Catilo โ LGU Libungan
#6 Chrizel Joy C. Miguel โ LGU Banisilan
#7 Cathleen Angelie C. Abler โ Vice Mayors League of the Philippines
#8 Jade Dyll C. Asis โ LGU Midsayap
#9 Aira Charis Aguilar โ Philippine Councilors League
#10 Clarissa Marie Angelina G. Westram โ Sangguniang Kabataan Provincial Federation โ Cotabato Province
#11 Shacainah Jane G. Cordero โ LGU Aleosan
#12 Viena Tiessa L. Sacayanan โ LGU Mlang
#13 Kriszelle C. Mancera โ LGU Kabacan
#14 Vianna Arabella L. Abines โ One Sayap Group
#15 Krizhel Mae Alegarbes Palomar โ LGU Antipas
Inaasahang tulad ng mga nagdaang kompetisyon ng Mutya ng Cotabato, ay magiging mahigpit din ngayong taon ang labanan hindi lamang sa ganda ngunit pati na rin talino ng isang Cotabateรฑa. Kasabay ng mga empleyado na sumaksi sa espesyal na aktibidad ay mismong si Cotabato Governor Emmylou โLalaโ J. Taliรฑo-Mendoza kasama sina Provincial Administrator Aurora P. Garcia at mga opisyal mula sa mga ahensiya ng pamahalaan na miyembro ng Provincial Peace and Order Council (PPOC) Executive Committee.//idcd-pgo-gonzales//