Amas, Kidapawan City -Sabik na dumalo ang higit sa 3,200 na barangay health workers (BHWs) mula sa iba’t ibang bayan ng lalawigan sa 29th BHW Provincial Congress na ginanap sa Municipal Gymnasium ng Magpet, Cotabato.
Ang nabanggit na pagtitipon ay naglalayong mabigyan ng pagkakataon ang mga frontliners na magkita-kita upang malaman ang mga bagong updates na maaari nilang magamit sa pagpapatupad ng mga health programs sa kanilang barangay.
Kasama din sa tinalakay sa naturang congress ang papel ng BHWs sa paghahatid ng mga napapanahong pangkalusugang programa at proyekto sa mga komunidad.
Ayon pa kay Provincial Health Officer II at IPHO Chief Doctor Eva C. Rabaya, ” kinahanglan gyud sa mga BHW na magkatigum, to build camaraderie and learn kung unsa ang mga services nga ginahatag karon sa serbisyong totoo.”
Nagbigay pugay din si Magpet Mayor Laurence Jay Gonzaga sa sakripisyo at dedikasyon ng naturang mga frontliners lalo na noong kasagsagan ng pandemiya.
Samantala, dumalo din sa aktibidad si Board Member Ivy Martia Lei C. Dalumpines-Ballitoc, bilang kinatawan ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliรฑo Mendoza upang magpasalamat sa malaking kontribusyon ng nasabing grupo na itinuturing niyang makabagong bayani.
Dumalo din sa naturang aktibidad sina Vice Mayor Florenito Gonzaga, DOH Senior Health Program Officer / Regional BHW Coordinator Joana Kristine A. Chio, DOH Senior Health Program Officer / MAIP Coordinator Ma. Demetria Glemao, BHW Provincial Federation President Edna A. Dando, Municipal BHW Coordinators at IPHO staff.
Ang 29th BHW Provincial Congress ay may temang, ” Barangay Health Workers Maasahan, Tungo sa Kalusugang Pangkalahatan # Serbisyong Totoo.” //idcd-pgo-delacruz//