Amas, Kidapawan City – Isang masigabong palakpakan ang salubong ng 380 na mga batang Magpeteรฑo na kalahok sa sports clinic sa pagbisita ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” J. Taliรฑo Mendoza sa pagtatapos nito kahapon Hulyo, 23, 2023.
Sa kanyang mensahe, hinikayat ng gobernadora ang mga kabataan na ilaan ang kanilang panahon sa mga makabuluhang bagay upang makamit ng mga ito ang kanilang pangarap.
Pinasalamatan din ni Governor Mendoza ang lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Jay Laurence Gonzaga at Vice Mayor Florenito Gonzaga sa walang sawang suporta sa lahat ng programa ng probinsya.
Dumalo din sa naturang aktibidad si Provincial Advisory Council Member Chuckie Pacifico, representante mula sa Philippine National Police, Philippine Drug Enforcement Agency, Municipal SK Federation President Chernandy Jan Dominic Provida, coaches & trainers, PGO focal persons.//idcd-pgo-delacruz//PhotobyWMSamillano//