๐—ž๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฅ๐—ผ๐˜…๐—ฎ๐˜€๐—ป๐—ผ๐—ป, ๐—บ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ถ๐˜€๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฏ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ผ๐˜๐—ผ๐—ผ ๐˜€๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐˜๐˜€ ๐—ฐ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ฐ ๐˜€๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป

Amas, Kidapawan City – Abot sa 450 na mga kabataang edad 8-17 taong gulang ang aktibo at masayang nakiisa sa pagbubukas nitong Sabado, Hulyo 15, 2023 ng Serbisyong Totoo Sports Clinic sa bayan ng President Roxas.

Ito ay mismong pinangunahan ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” J. Taliรฑo-Mendoza kung saan kabilang sa mga aktibidad na inilatag rito ay oryentasyon at pagsasanay hinggil sa basic skills ng larong basketball at volleyball.

Nagsagawa din ang mga kawani ng Cotabato Provincial Police Office (CPPO) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng mga lectures tungkol sa anti-bullying act at drug preventive education na isa sa mga tinututukang suliraning pangkabataan ni Governor Mendoza.

Inilahad naman ng gobernadora na ang pagsasagawa ng nasabing programa ay hindi lamang para sa pisikal na aspeto ng mga kabataan kundi para na rin sa emosyonal at mental na aspeto.

Hinikayat din niya ang mga ito na pagbutihin ang pag-aaral at huwag makibahagi sa mga masasamang gawain upang hindi masira ang kanilang kinabukasan.

Ito na ang panlabinlimang bayan na binisita ng pamahalaang panlalawigan upang magsagawa ng sports clinic.

Ang aktibidad ay aktibo ring dinaluhan nina Boardmember Ryl John C. Caoagdan, President Roxas Mayor Jonathan Mahimpit, Matalam Vice Mayor Ralph Ryan Rafael, Matalam Councilor April S. Babol, PAATSDD Head Josephine Abellana at Provincial Advisory Council member Chuckie Pacifico.//idcd-pgo-mombay/PhotobyWMSamillano//