๐—–๐—ผ๐˜๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ผ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐˜ƒ๐—ถ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ, ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—ฟ๐—ถ ๐—ป๐—ด ๐—•๐—Ÿ๐—š๐—™ ๐—ซ๐—œ๐—œ

Amas, Kidapawan City- Pinuri ng Bureau of Local Government Finance XII ang lalawigan ng Cotabato, matapos itong unang makapagsumite ng Electronic Statement of Receipts and Expenditures (eSRE) gamit ang LGU Integrated Financial Tools (LIFT) version 4.

Ang eSRE ay isang opisyal na financial management reporting system mula sa Department of Finance (DOF) na naglalayong i-monitor ang financial performance ng bawat lokal na pamahalaan sa bansa upang matiyak na nagagamit ng wasto at tama ang pondong inilaan para sa pagpapatupad ng programa at proyekto ng gobyerno.

Nagpasalamat naman si Cotabato Governor Emmylou โ€œLalaโ€ Taliลˆo Mendoza sa lahat ng eSRE focal persons mula sa mga munisipyo at probinsya na binubuo ng budget, treasurers at assessors office sa pagsisikap nito na agarang maisumite ang 1st and 2nd quarter ng nasabing report.

Naniniwala din ang gobernadora, na mahalaga sa isang tapat at malinis na pamamahala ang pagkakaroon ng โ€œfinancial transparency and accountability โ€ para matiyak na hindi nasasayang at napupunta lamang sa iilan ang buwis na ibinabayad ng taumbayan.//idcd-pgo-sotto//