Amas, Kidapawan City| Hulyo 17, 2023- Pormal nang inilunsad ngayong araw sa lalawigan ng Cotabato ang Katuwang sa Diwa at Gawa para sa Masaganang Ani at Mataas na Kita (KADIWA) ng Pangulo 2023 na ginanap sa Provincial Covered Court, Amas, Kidapawan City.
Ito ay bilang pagsuporta sa simultaneous nationwide launching ng nasabing programa na naglalayong maibenta sa mas mataas na presyo ang produktong agrikultura ng magsasaka na hindi na dumadaan sa mga intermidiaries o tagapamagitan at mabigyan ng pagkakataon ang mga ordinaryong consumer na makabili ng murang mga paninda.
Ang pagbubukas ay pinangunahan ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” J. Taliรฑo Mendoza kasama si OIC-Department of Agriculture (DA) XII Regional Executive Director John B. Pascual, Department of the Interior and Local Government (DILG) Provincial Director Ali B. Abdullah, partner agencies at mga opisyal mula sa ibaโt ibang pamahalaang lokal ng lalawigan.
Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni OIC-Regional Executive Director Pascual ang pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Governor Mendoza sa suporta nito sa programang ipinapatupad ng kagawaran lalo na sa pagtulong sa mga magsasaka na mapataas ang kanilang ani at kita.
Dagdag pa niya na sa maayos na ugnayang DA at pamahalaang panlalawigan ng Cotabato maraming magsasaka pa sa lalawigan ang mabibigyan ng tulong sa pamamagitan ng ibaโt ibang programa.
Nagpahayag naman ng kanyang pagsuporta sa KADIWA ng pangulo program ang gobernadora at pinuri ang inisyatibong ito ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na ayon sa kanya ay tugon sa mababang presyuhan ng produktong pang agrikultura sa merkado.
Tiniyak din nito na magiging katuwang ng kagawaran ang probinsya sa maayos na implementasyon ng mga programa para sa magsasaka.
Ang pagbubukas ng KADIWA ng Pangulo 2023 sa probinsya ay aktibo ring nilahukan ni Department of Trade and Industry (DTI) Provincial Director Ferdinand Cabilles, NFA Cotabato Province Branch Manager Richard L. Balbin, Department of Social Welfare and Development Representative Hosne Dumadaleg, Board Members Jonathan Tabara, Ivy Dalumpines, Sittie Eljorie Antao- Balisi, Municipal Mayors Rolly Sacdalan, Jonathan Mahimpit at Jay Laurence Gonzaga, Municipal Vice Mayors, Acting Provincial Agriculturist Remedios Hernandez, Provincial Administrator Aurora Garcia at iba pang imbitadong panauhin.//idcd-pgo-sotto/PhotobyWMSamillano//