Amas, Kidapawan City| Hulyo 4, 2023- Sinimulan na nitong Lunes, Hulyo 3, 2023 ang 15-day Capacity Development Training for Volunteer Responders of Cotabato Province na ginanap sa 602nd Bde, PA, Camp Lucero, Carmen, Cotabato.
Sumailalim sa nasabing training ang 147 na mga boluntaryong indibidwal na nais maging responders mula sa bayan ng Aleosan, Libungan, Alamada at Matalam.
Ang nasabing pagsasanay ay isa sa mga inisyatibong programa ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliรฑo Mendoza na naglalayong palakasin ang kahandaan ng bawat bayan sa lalawigan sa panahon ng kalamidad at sakuna.
Nais din ni Mendoza na ang bawat barangay sa probinsya ay magkaroon ng kani-kanilang sariling responders na agarang makakatugon sa panahon ng pangangailangan.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office katuwang ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection (BFP) at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Offices (MDRRMOs).//idcd-pgo-sotto/PhotobyPDRRMO//