๐๐ฆ๐๐ฌ, ๐๐ข๐๐๐ฉ๐๐ฐ๐๐ง ๐๐ข๐ญ๐ฒ| ๐๐ฎ๐ง๐ฒ๐จ ๐๐, ๐๐๐๐- Mainit na sinalubong ng mga residente at opisyales ng Barangay San Isidro, Midsayap, Cotabato ang pagdating ni Cotabato Governor Emmylou โLalaโ Taliรฑo Mendoza upang iturnover ang dalawang road concreting projects mula sa pamahalaang panlalawigan ng Cotabato.
Ang unang road section ay ang 967 metro provincial road na may lapad na anim (6) na metro sa Barangay San Isidro na pinondohan ng abot sa P13M at ang pangalawa naman ay ang 755 metro na barangay road concreting project na may lapad na apat (4) na metro na kumukonekta sa San Isidro hanggang Purok 5, Barangay Patindeguen na ginastusan ng abot sa P6M.
Ang nasabing mga proyekto na may kabuoang halaga na aabot sa P19M ay pinondohan sa ilalim ng 20% economic development fund (EDF) ng lalawigan na mapapakinabangan din ng Brgy. Nalin, Patindeguen, Lagumbingan, Kabuntalan at iba pang kalapit barangay ng nabanggit na bayan.
Sa kanyang mensahe, taos pusong pasasalamat ang ipinaabot ni San Isidro Brgy. Chairman Leceria Valmoria sa proyektong ipinagkaloob sa kanila ng probinsya sa pangunguna ni Governor Mendoza.
โKarong buntaga, pirti gyud namong lipaya kay iturnover na gyud ang proyekto gikan sa atoang mahal nga gobernadora. Daghan kaayong salamat Gov. sa paghatag ani nga proyekto kay dugay na gyud kining gihandum sa katawhan sa San Isidro,โ pahayag ni Valmoria.
Samantala sa kanyang mensahe, hiniling naman ni Governor Mendoza ang mga residente at bawat mamamayan sa lalawigan na aktibong maging katuwang sa pag monitor ng mga proyektong ipinapatupad ng provincial government sa kani-kanilang barangay upang matiyak ang kalidad ng mga ito batay na rin sa itinakdang program of works at specification.
Nasa nasabi ring turnover si Boardmember Sittie Eljorie Antao-Balisi, Midsayap Vice Mayor Vivencio Deomampo, Jr., Provincial Advisory Council Member Rosalie H. Cabaya, Provincial Engineer Espiridion S. Taladro at lokal na mga opisyal ng barangay.//idcd-sotto/delacruz/PhotobyWMSamillano//