Amas, Kidapawan City- Hindi alintana ang mainit na panahon at pagod para sa mga nangangasiwa ng Summer Kids Peace Camp (SKPC), maisagawa lamang ang naturang programa na inilunsad ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” J..Taliño-Mendoza, noong 2011 para sa mga batang Cotabateño upang maunawaan ang kahalagahan ng kapayapaan at mapangalagaan ang kanilang kapakanan.
Ang SKPC para sa taong 2023 na sinimulan sa mga bayan ng Pigcawayan at Libungan nitong ika-12 ng Mayo ay pormal na ring binuksan ngayong araw para sa tinatayang higit tatlong libo na mga sabik na Grade V pupils mula sa mga pampublikong paaralan sa mga bayan ng Mlang at Tulunan.
Sa bayan ng Mlang isang makulay, masaya, at makabuluhang aktibidad sa loob ng tatlong araw ang inihanda ng pamahalaang panlalawigan sa pakikipagtulungan ng tanggapan ni 3rd Congressional District Congresswoman Ma. Alana Samantha T. Santos, Department of Education (DepEd),Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire (BFP) at ng pamahalaang lokal ng bayan.
Sa programa na ginanap ngayong araw na pinangunahan ni 3rd District Boardmember Ivy Martia Lei Dalumpines – Ballitoc bilang kinatawan ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza, kanyang binigyang diin ang kahalagahan na maunawaan ang pagkakaiba-iba ng bawat isa.
Sapagkat dito aniya magsisimula ang kapayapaan–sa sarili ng bawat isa, upang maging bukas ang pag iisip sa kabila ng pagkakaiba-iba ng kultura, paniniwala at relihiyon ng bawat Cotabateño.
Nagpahayag naman ng pasasalamat sa gobernadora ang Alkalde ng bayan ng Mlang na si Atty. Russel M. Abonado sa inisyatibo nito na maitaguyod ang nasabing programa para sa mga batang Cotabateño.
Dumalo rin sa pagtitipon sina Boardmember at Cotabato Liga ng mga Barangay Federation Pres. Phipps Bilbao at Boardmembers Joemar S. Cerebo, kasama sina Mlang Councilor Cleofas M. Tupas, School Governance and Operating Division Chief Julie Lumogdang bilang representante ni Schools Division Superintendent Romelito G. Flores, Provincial Planning and Development Coordinator Jonah J. Balanag , at mga Public School District Supervisors sa apat na distrito ng pampublikong paaralan sa naturang bayan.//idcd-pgo/dalumpines//Photoby:LQGonzales/