๐๐ฆ๐๐ฌ, ๐๐ข๐๐๐ฉ๐๐ฐ๐๐ง ๐๐ข๐ญ๐ฒ- Sa kabila ng maulan at malamig na panahon, maaliwalas na mukha at mainit na ngiti ang salubong ng mga batang Tulunense sa pagbubukas ng Summer Kids Peace Camp sa bayan ng Tulunan nitong Biyernes, Hunyo 16 2023.
Ayon kay Ginang Edna T. Castillo, guro at pack chief mula Tulunan South District, walang paglagyan ang tuwa at pananabik ng mga batang campers mula sa Sibsib Elementary School ng malamang kasali sila sa tatlong araw na libreng camping na handog ng pamahalalaang panlalawigan sa pangunguna ni Governor Emmylou “Lala” Taliรฑo Mendoza.
“๐ฎ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐.”
Excited rin si lola Josie T. Tacalan, ng Purok 5, Bual, Tulunan, Cotabato para sa kanyang apo na si Jyne S. Tacalan na isa sa nagpakitang gilas sa drum and lyre corp parade and exhibition na siyang naging tampok sa pagbubukas ng aktibidad.
Ayon sa kanya,” ๐ฌ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐.”
Naghandog din ng isang sayaw ang Sibsib Elementary School kung saan ipinakita nito sa kanilang presentasyon ang tatlong tribung mapayapang namumuhay sa lalawigan ng Cotabato.
๐๐๐ง๐ฌ๐๐ก๐ ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ฌ๐๐ฌ๐๐ฅ๐๐ฆ๐๐ญ
Samantala, isang malakas na,”๐ป๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐ฎ๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฌ๐๐๐๐๐๐ “๐ณ๐๐๐” ๐ป๐๐๐รฑ๐ ๐ด๐๐๐ ๐๐๐, ” naman ang sabayang isinigaw ng 1,278 Grade 5 pupils sa opening program ng nasabing aktibidad na ginanap sa Tulunan National High School Grounds na pinangunahan ng Provincial Accounting Office at opisina ni 3rd District Representative Ma. Alana Samantha T. Santos.
Sa kanyang mensahe, pagsaludo at pasasalamat ang ipinaabot ni Tulunan Mayor Reuel Limbungan sa importansyang ibinibigay ni Governor Mendoza sa sektor ng kabataan. Ayon sa alkalde, isang espesyal na programa ang SKPC dahil ito ay nakasentro sa kapayapaan, pagkakaisa at respeto sa kabila ng pagkakaiba-iba ng paniniwala, relihiyon at kultura.
Bilang kinatawan ng gobernadora, personal namang ipinaabot ni Boardmember Joemar S. Cerebo ang kanyang pasasalamat sa Department of Education Cotabato Division, lokal na pamahalaan ng Tulunan at iba’t ibang ahensya na naging katuwang ng probinsya na maitaguyod ang nasabing programa..
Ang pagbubukas ng Summer Kids Peace Camp ay sinaksihan din nina Boardmember Ivy Dalumpines Ballitoc, Former PCL President at Provincial Advisory Council Member Albert Rivera, Tulunan Vice Mayor Abraham Contayoso, Tulunan South District Supervisor Cyrel Defensor, Tulunan East District Supervisor Rex Geneblaza, Tulunan North District Supervisor Aurelio Montiales, school heads, representante mula sa Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine National Police (PNP) at iba pang stakeholders.//idcd-pgo-sotto/PhotobyRGSopresencia//