๐๐‘๐‘๐ˆ ๐„๐ฑ๐ž๐œ๐ฎ๐ญ๐ข๐ฏ๐ž ๐ƒ๐ข๐ซ๐ž๐œ๐ญ๐จ๐ซ ๐„๐ฎ๐ฌ๐š๐ฅ๐š, ๐ฉ๐ข๐ง๐ฎ๐ซ๐ข ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐š๐›๐ข๐ฅ๐ข๐ฌ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐  ๐š๐ค๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฅ๐š๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ง๐ฅ๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐ข๐ ๐š๐ง ๐ง๐  ๐‚๐จ๐ญ๐š๐›๐š๐ญ๐จ ๐ฎ๐ฉ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ฉ๐ข๐ ๐ข๐ฅ๐š๐ง ๐ฉ๐ž๐ฌ๐ญ๐š๐ฅ๐จ๐ฉ๐ญ๐ข๐จ๐ฉ๐ฌ๐ข๐ฌ

๐๐‘๐‘๐ˆ ๐„๐ฑ๐ž๐œ๐ฎ๐ญ๐ข๐ฏ๐ž ๐ƒ๐ข๐ซ๐ž๐œ๐ญ๐จ๐ซ ๐„๐ฎ๐ฌ๐š๐ฅ๐š, ๐ฉ๐ข๐ง๐ฎ๐ซ๐ข ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐š๐›๐ข๐ฅ๐ข๐ฌ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐  ๐š๐ค๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฅ๐š๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ง๐ฅ๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐ข๐ ๐š๐ง ๐ง๐  ๐‚๐จ๐ญ๐š๐›๐š๐ญ๐จ ๐ฎ๐ฉ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ฉ๐ข๐ ๐ข๐ฅ๐š๐ง ๐ฉ๐ž๐ฌ๐ญ๐š๐ฅ๐จ๐ฉ๐ญ๐ข๐จ๐ฉ๐ฌ๐ข๐ฌ

๐€๐ฆ๐š๐ฌ,๐Š๐ข๐๐š๐ฉ๐š๐ฐ๐š๐ง ๐‚๐ข๐ญ๐ฒ| ๐‡๐ฎ๐ง๐ฒ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ’, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ‘- Pinuri ni Philippine Rubber Research Institute (PRRI) Executive Director III Cheryl I. Eusala ang mabilisang aksyon ng pamahalaang panlalawigan upang mapigilan pagpasok ng leaf fall disease of rubber o pestaloptiopsis sa probinsya ng Cotabato.

Ito ang inihayag ni Eusala, sa isinagawang round table discussion ngayong araw na ginanap sa Governor’s Cottage, Amas, Kidapawan City kasama ang iba’t ibang ahensya.

Ayon sa direktor, hanga siya sa pagiging “proactive” ng pamunuan ni Governor Emmylou “Lala” Taliรฑo Mendoza lalo na sa paglalatag ng komprehensibong plano na siya ngayong ginagaya ng iba pang probinsya at siyudad sa Mindanao.

โ€œSa totoo lang palaging nahahighlight ang Cotabato Province, even sa national dahil very proactive ang response nito against pestaloptiopsis na ginagaya na ngayon ng ibang provinces and region.โ€

Pinuri din nito ang mga ahensya, sektor at indibidwal na naging katuwang ng pamahalaang panlalawigan upang maging matagumpay ang monitoring, surveillance at information dissemination campaign hinggil sa nasabing sakit.

๐๐ž๐ฌ๐ญ๐š๐ฅ๐จ๐ฉ๐ญ๐ข๐จ๐ฉ๐ฌ๐ข๐ฌ, ๐ง๐š๐ค๐š๐ฉ๐š๐ฌ๐จ๐ค ๐ง๐š ๐ฌ๐š ๐ฉ๐ซ๐จ๐›๐ข๐ง๐ฌ๐ฒ๐š ๐ง๐  ๐๐ฎ๐ค๐ข๐๐ง๐จ๐ง

Samantala, binaggit din ni Direktor Eusala na batay sa kanilang isinagawang surveillance sa Probinsya ng Bukidnon, nitong Mayo 17-19, 2023 kinumpirma nito na mayroon ng kaso ng pestaloptiopsis sa lugar partikular na sa Brgy. Palma, Kibawe at Purok 7, Old Damulog, Bukidnon at apektado nito ang walong ektaryang plantasyon sa area.

Hinikayat nito ang mga local government units at rubber farmers sa lalawigan na sundin ang PRRI pestaloptiopsis protocols na kinabibilangan ng mga sumusunod: pagsasagawa ng puspusang disease surveillance and monitoring sa lahat ng rubber plantations; pagsasagawa ng mga pagsusuri sa mga tanim na rubber at agarang pagrereport sa tanggapan ng PRRI kung may namamataang sintomas ng pestaloptiopsis; pag-implementa ng good agricultural management practices gaya ng paglilinis sa plantasyon, paglalagay ng abono sa mga pananim dalawang beses sa isang taon; pagputol at pagsunog sa mga punong infected na ng sakit at paglalagay ng chemicals sa panahon na magkaroon ng outbreak.

Sa kanyang mensahe, inihayag ni OPAg Managing Consultant Eliseo Mangliwan na pagkatapos ng naturang round table discussion ay bubuo ng isang contingency o action plan ang OPAg bilang paghahanda kung saka-sakali makapasok sa probinsya ang naturang sakit.

Ayon sa kanya, sa direktiba ni Governor Mendoza maliban sa โ€œpreventing measuresโ€ na kasalukuyan ng ipinapatupad, kailangan din maging handa ang probinsya lalo na sa interbensyon at tulong na maaari nitong maibigay sa mga magsasaka ng rubber kung saka-sakaling makapaminsala man ang nasabing sakit.

Dumalo rin sa naturang pagpupulong upang magbigay ng kanilang rekomendasyon at suhestyon sina Boardmember Jonathan Tabara, High Value Crops National Focal Person Alfonso Sandique, Provincial Advisory Council Members Ramon Floresta, Former DA Regional Director Amalia J. Datukan, Retired Judge Lily Lydia A. Laquindanum, representante mula sa Department of Agriculture, Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development (PCAARRD), department heads ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg), Office of the Provincial Veterinarian (OPVet), Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office at iba pang imbitadong bisita.//idcd-pgo-sotto//