P1.4M corn seeds para sa IP communities mula sa mga bayan ng Alamada, Aleosan, Banisilan, Libungan at Pigcawayan
Amas, Kidapawan City -Abot sa higit P1.4M o 327 na sako ng hybrid corn seeds ang ipinamahagi ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato nitong Hunyo 9, 2023 sa IP communities mula sa mga bayan ng Alamada, Aleosan, Banisilan, Libungan at Pigcawayan na pinangasiwaan ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) kasama ang Provincial Governor’s Office- IP Affairs Division.
Sa bayan ng Pigcawayan, namahagi din ang OPAg at IP Affairs ng 50 piraso ng knapsack sprayers na may kabuoang halaga na P175,000.
Taos pusong pasasalamat naman ang ipinaabot ni Ginong Rosauro Torquido, residente ng Brgy. Capayawi sa bayan ng Libungan sa pamunuan ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza dahil sa natanggap nitong binhi na aniya ay malaki ang maitutulong sa kanyang pagsasaka.
Hinikayat din ni Provincial IP Mandatory Representative Arsenio Ampalid ang mga benepisyaryo na patuloy na suportahan ang mga programa at proyekto ng pamunuan ni Governor Mendoza na may kinalaman sa kapakanan ng bawat tribo sa lalawigan.
Nasa naturang pamamahagi din sina Liga ng mga Barangay Provincial Federation President Phipps T. Bilbao, Former Boardmembers Rosalie H. Cabaya at Albert Rivera at mga kawani ng OPAg at PGO-IP Affairs.//idcd-pgo-mombay/PhotobyOPAg&IPAffairs//