Amas, Kidapawan City – Personal na tinungo ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza ang IP community sa Brgy. Datu Sundungan sa bayan ng President Roxas upang pormal na iturnover ang kanilang katatapos lamang na tribal hall.
Ang nasabing proyekto ay nagkakahalaga ng mahigit sa P1.9M na pinondohan ng pamahalaang panlalawigan na magagamit kung mayroong mga pagtitipon o iba pang mahahalagang okasyon ang mga katutubo sa komunidad.
Inilahad naman ni Governor Mendoza sa kanyang mensahe na ang pamahalaang panlalawigan ay bukas sa lahat lalo na sa mga nangangailangan at pinagsusumikapan nito ang pagpapaabot ng mga programa at proyektong makakatulong sa mga IPs sa lalawigan.
Nagpaabot din ng kanyang pasasalamat si Brgy. Datu Sundungan Chairman Benedicto Codoy kay Governor Mendoza dahil sa pagbibigay nito ng pasilidad sa komunidad.
Ito ay sinaksihan ni Provincial IP Mandatory Representative Arsenio Ampalid, iba pang opisyales ng Brgy. Datu Sundungan at mga kawani ng Provincial Engineer’s Office (PEO). //idcd-pgo-mombay/PhotobySMNanini//