๐ƒ๐Ž๐‹๐„ ๐ˆ๐ง๐ญ๐ž๐ ๐ซ๐š๐ญ๐ž๐ ๐‹๐ข๐ฏ๐ž๐ฅ๐ข๐ก๐จ๐จ๐ ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐š๐ฆ (๐ƒ๐ˆ๐‹๐) ๐Ž๐ซ๐ข๐ž๐ง๐ญ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐š๐ง๐ ๐“๐ซ๐š๐ข๐ง๐ข๐ง๐ , ๐ข๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฅ๐š๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ง๐ฅ๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐ข๐ ๐š๐ง

๐€๐ฆ๐š๐ฌ, ๐Š๐ข๐๐š๐ฉ๐š๐ฐ๐š๐ง ๐‚๐ข๐ญ๐ฒ -Isang oryentasyon hinggil sa DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) ang pinangunahan ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato ngayong araw para sa 350 na mga benepisyaryo na nagmula sa iba’t ibang bayan ng lalawigan.

Sa nasabing oryentasyon, ibinahagi ng Department of Trade and Industry (DTI), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Provincial Cooperative Development Office (PCDO) ang mga serbisyo at programang ibinibigay ng kanilang ahensya na makakatulong sa mga benepisyaryong nais magkaroon ng sarili nilang pangkabuhayan.

Bilang kinatawan ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliรฑo-Mendoza, umaasa naman si Boardmember Ryl John C. Caoagdan na mapapalago ng mga benepisyaryo ang mga tulong at programang pinagsisikapang ipaabot ng pamunuan ni Governor Mendoza katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Ang DILP ay isang programa ng DOLE kung saan mamimigay ito ng kabuhayan starter kits sa mga kwalipikadong benepisyaryo na nakabatay sa gusto nilang simulan na negosyo.

Kung matatandaan, nitong Mayo 1, 2023 lumagda sa isang memorandum of agreement ang DOLE at pamahalaang panlalawigan kung saan nakasaad dito na magbibigay ng P7M ayuda sa ilalim ng DILP ang ahensya.

Ang naturang oryentasyon ay ginanap sa Provincial Gymnasium, Amas, Kidapawan City na dinaluhan nina TESDA Supervising Specialist Franklin R. Beltran, DTI Negosyo Center Trade and Industry Development Analyst Samsia Banlasan, DOLE Livelihood Development Specialist George Stephen Lasaga, at PCDO Cooperative Development Specialist Jose N. Alcantara.//idcd-pgo-mombay//