๐๐ฆ๐๐ฌ, ๐๐ข๐๐๐ฉ๐๐ฐ๐๐ง ๐๐ข๐ญ๐ฒ| ๐๐๐ฒ๐จ ๐๐, ๐๐๐๐- Taos pusong pasasalamat ang ipinaabot ni Barangay New Bugasong Chairman Rodolfo S. Baldestamon kay Governor Emmylou “Lala” Taliรฑo Mendoza, matapos nitong iturnover ngayong araw ang P2,216,767 na proyektong imprastraktura sa kanyang barangay.
Ang proyektong multipurpose drying pavement ay mapapakinabangan ng higit kumulang sa 2,000 magsasaka na kanilang magagamit sa pagbibilad ng kanilang produktong agrikultura. Samantalang, ang single barrel box culvert project naman along provincial road section sa nabanggit na barangay ay ginhawa ang hatid sa mga commuters at motorista.
Kung matatandaan, noong buwan ng Abril ay itinurnover rin sa nasabing barangay ang P15M na road concreting project na pinondohan ng pamahalaang panlalawigan.
Sa kanyang mensahe, inihayag ng gobernadora na ang kanyang tanggapan ay nagsisikap na matugunan ang pangangailangan ng mga barangay na nakabatay sa isinumiteng request ng mga opisyales nito.
Kasama ni Governor Mendoza sa turnover ng proyekto sina Boardmembers Jonathan Tabara, Joemar Cerebo at Ivy Dalumpines Ballitoc, Matalam Vice Mayor Ralph Ryan H. Rafael, iba pang lokal na opisyal ng bayan at representante mula sa tanggapan ni 3rd District Representative Ma. Alana Samantha Santos.//idcd-pgo-sotto/Photoby LAdelaCruz&SMNanini//