๐๐บ๐ฎ๐, ๐๐ถ๐ฑ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐๐ถ๐๐| ๐ ๐ฎ๐๐ผ ๐ฎ๐ฐ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฏ- Isang biyaya para sa mga residente ng Barangay Kibia, Matalam, Cotabato ang P15M road concreting project na may habang 1.56 kilometro na itinurn-over ng pamahalaang panlalawigan ngayong araw sa pangunguna ni Governor Emmylou “Lala” Taliรฑo Mendoza.
Ayon kay Marilou Capulong, residente ng nasabing barangay, labis ang kanilang pasasalamat sa probinsya sa pangunguna ni Governor Lala sa konkretong daan na ipinagkaloob sa kanila lalo na at ito ay matagal na nilang pinangarap.
Ang nabanggit na daan ay mapapakinabangan din ng mga barangay Latagan at Linao na labis din ang ginhawa na hatid lalo na sa mga bumibyahe.
Nagpasalamat din si Kibia Brgy. Captain Ebenezer G. Feolog sa pagsisikap ng probinsya at tanggapan ni 3rd District Representative Ma. Alana Samantha T. Santos na matugunan ang kanilang pangangailangan.
Ang nabanggit na turnover ay sinaksihan din nina Boardmembers Jonathan Tabara, Joemar Cerebo at Ivy Dalumpines Ballitoc, Matalam Vice Mayor Ralph Ryan Rafael, Matalam Municipal Councilors, Acting Provincial Engineer Espiridion Taladro, at mga representante mula sa tanggapan ni 3rd District Representative Santos.//idcd-pgo-sotto/PhotobySMNanini&LAdelaCruz//