๐Œ๐ ๐š ๐ฆ๐š๐ ๐ฌ๐š๐ฌ๐š๐ค๐š ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š ๐ฌ๐š ๐›๐š๐ฒ๐š๐ง ๐ง๐  ๐Œ๐š๐ ๐ฉ๐ž๐ญ ๐š๐ญ ๐Œ๐š๐ญ๐š๐ฅ๐š๐ฆ ๐ง๐š๐›๐ข๐ฒ๐š๐ฒ๐š๐š๐ง ๐ง๐  ๐š๐ฅ๐š๐ ๐š๐ง๐  ๐ก๐š๐ฒ๐จ๐ฉ ๐ฌ๐š ๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐ง๐  ๐š๐ง๐ข๐ฆ๐š๐ฅ ๐๐ข๐ฌ๐ฉ๐ž๐ซ๐ฌ๐š๐ฅ ๐ฉ๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐š๐ฆ

๐€๐ฆ๐š๐ฌ, ๐Š๐ข๐๐š๐ฉ๐š๐ฐ๐š๐ง ๐‚๐ข๐ญ๐ฒ| ๐Œ๐š๐ฒ๐จ 24, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ‘- Masayang tinanggap ng 14 na mga magsasaka mula sa mga bayan ng Magpet at Matalam, ang anim (6) na kabayo at walong (ย 8)ย modules ng kambing (2 doe and 1 buck) na ipinamahagi ng Office of the Provincial Veterinarian sa ilalim ng Animal Dispersal Program.

Ang pamamahagi ng abot sa P276,928 na farm animals ay sinaksihan ni Cotabato Governor Emmylou โ€œLalaโ€ J. Talino Mendoza na nagpaalala sa mga maswerteng benepisyaryo na alagaan at palaguin ang tulong na ibinigay sa kanila ng pamahalaang panlalawigan.

Nabanggit din nito na sa lahat ng mga nagnanais mag avail ng programa ng lalawigan kailangan ng mga ito na sumunod sa nakatakdang alituntunin at kailangan ding magampanan ng mga benepisyaryo ang kanilang tungkulin batay sa kanilang nilagdaang Memorandum of Agreement o MOA.

Samantala, limang benepisyaryo din ang nakatanggap ng baka at kalabaw na una ng ipinamahagi nitong Mayo 9, 10, 11, 2023.

Ang aktibidad ay ginanap sa Provincial Capitol Grandstand, Amas, Kidapawan City na dinaluhan din nina Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) Managing Consultant Eliseo MAngliwan, COA representatives, kawani ng OPVet at OPAg Focal Person Lani Babulon.//idcd-pgo-sotto/PhotobySMNanini&LAdelaCruz//ย