๐†๐จ๐ฏ. ๐Œ๐ž๐ง๐๐จ๐ณ๐š, ๐‘๐ž๐ฉ. ๐’๐š๐ง๐ญ๐จ๐ฌ ๐ง๐š๐ค๐ข๐ฉ๐š๐ ๐ฉ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐ฌ๐š ๐ฆ๐š๐ญ๐š๐ญ๐š๐š๐ฌ ๐ง๐š ๐จ๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐š๐ฅ ๐ง๐  ๐ƒ๐Ž๐“๐ซ ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐š๐ข๐ซ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ ๐ฉ๐ซ๐จ๐ฃ๐ž๐œ๐ญ ๐ง๐  ๐ฅ๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐ข๐ ๐š๐ง

Amas, Kidapawan City | May 10, 2023 – Determinadong makumpleto na ang pagpapagawa ng Central Mindanao Airport (CMA) project na nasa bayan ng Mlang ng lalawigan kaya nakipagpulong si Cotabato Governor Emmylou “Lala” J. Taliรฑo-Mendoza at 3rd District Representative Ma. Alana Samantha T. Santos sa Kalihim ng Department of Transportion (DOTr) Jaime J. Bautista at iba pang opisyales ng ahensiya upang hilingin na iprayoridad ang paglaan ng pondo sa nasabing proyekto.

Batay sa datus mula kay Office of the Provincial Planning and Development Coordinator Jonah J. Balanag, EnP, abot sa 485 milyong piso pa ang kinakailangang pondo upang makumpleto ang first phase development ng naturang paliparan.

Ilan sa mga nakalatag na vital facilities for priority funding batay sa iminungkahi ng mga sumuring eksperto mula sa DOTr ay ang mga sumusunod: 1) Improvement of Airside Facilities na kinabibilangan ng asphalt overlay of runway and strip grade correction and provision of runway end and safety area (RESA) at
2) Improvement of Landslide Facilities tulad ng construction of passenger terminal building, admin building, water system and power supply system at concreting of vehicular parking area at access road.

Positibo naman ang naging tugon ni Sec. Bautista at sinigurong maglalaan ito ng kaukulang pondo para sa CMA Project habang nagpahayag din ng apirmasyon ng kanyang buong suporta sa nabanggit na layunin si Undersecretary for Aviation and Airports Roberto C.O. Lim.

Naroon din sa pagpupulong si DOTr Undersecretary Reinier Paul Yebra na suportado rin ang kau-unahang paliparan sa probinsiya.

Layunin ng gobernadora na maging operational ang paliparan sa taong 2025 at inaasahang magiging malaking tulong ito para maihatid ng mas mabilis at maayos ang mga produktong pang-agrikultura at iba pang lokal na produkto ng probinsiya at mga karatig lugar. //idcd-pgo-gonzales/PhotobyCASollesta//ย