Pamahalaang panlalawigan namahagi ng sweet potato at cassava planting materials bilang paghahanda sa tagtuyot

π€π¦πšπ¬, 𝐊𝐒𝐝𝐚𝐩𝐚𝐰𝐚𝐧 𝐂𝐒𝐭𝐲 | 𝐌𝐚𝐲𝐨 08, πŸπŸŽπŸπŸ‘ – Bilang paghahanda sa darating na tagtuyot namahagi nitong Biyernes, Mayo 5, 2023 ng sweet potato at cassava planting materials ang Office of Provincial Agriculturist (OPAg) sa Brgy. Pinamaton, Matalam Cotabato.

Benepisyaryo ng nabanggit na programa ang 30 miyembro ng 4H club ng nabanggit na barangay na tinuruan rin ng OPAg ng tamang pagtatanim at pag-aalaga ng nasabing halaman.

Ito ay isa sa mga interbensyon ng pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Governor Emmylou “Lala” J. TaliΓ±o Mendoza upang matiyak ang kasapatan sa pagkain at matulungan ang magsasaka sa lalawigan.

Ang kamote at kamoteng kahoy ay mayaman din sa carbohydrates at iba pang mineral na maaaring pampalit sa kanin bilang staple food.

Labis naman ang pasasalamat ni Rommel Jay EspaΓ±ola miyembro ng 4H club sa pagbibigay sa kanila ng probinsya ng maitatanim na halamang ugat na maaaring mabuhay kahit pa man mainit ang panahon.

Dumalo din sa aktibidad sina Matalam Councilor Christopher Baracca, Acting Provincial Agriculturist Remedios Hernandez, 4H Coordinator Judy C. Gomez at iba pang empleyado ng OPAg. //idcd-pgo-delacruz //