๐—œ๐˜€๐—ธ๐—ผ๐—น๐—ฎ๐—ฟ ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐—ฏ๐—ถ๐—ป๐˜€๐˜†๐—ฎ, ๐—ถ๐˜€๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐˜๐—ผ๐—ฝ๐—ป๐—ผ๐˜๐—ฐ๐—ต๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ ๐˜€๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฝ๐—ผ๐˜€ ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ ๐—น๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ๐—ป๐˜€๐˜‚๐—ฟ๐—ฒ ๐—ฒ๐˜…๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐—ฐ๐—ถ๐˜ƒ๐—ถ๐—น ๐—ฒ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ฒ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€

๐€๐ฆ๐š๐ฌ, ๐Š๐ข๐๐š๐ฉ๐š๐ฐ๐š๐ง ๐‚๐ข๐ญ๐ฒ| ๐Œ๐š๐ฒ๐จ 4, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ‘- Isang karangalan kung maituturing ni Cotabato Governor Emmylou โ€œLalaโ€ Taliรฑo Mendoza ang tagumpay ng isang iskolar ng lalawigan na nag top 9 sa katatapos lamang na licensure examination for civil engineers na ginanap nitong Abril 23-24, 2023 sa ibaโ€™t ibang testing center sa buong Pilipinas.

Si Engr. Jester Javier Silapan,23, na taga Brgy. Salapungan, Kabacan, Cotabato ay matagumpay na nagtapos sa kursong Bachelor of Science in Civil Engineering (BSCE), cum laude sa University of Southern Mindanao, Kabacan Cotabato noong 2022.

Si Jester ay pangalawa sa tatlong magkakapatid, ang kanyang ama ay isang security guard, samantalang ang kanyang ina naman ay isang plain housewife.

Kuwento pa nito, na hindi naging madali ang kanyang pinagdaanan at naging inspirasyon niya ang kanyang mga magulang na nagsusumikap mabigyan lamang sila ng magandang buhay.

Ayon sa kanya, โ€œGusto kong suklian ang hirap at sakripisyo ng aking mga magulang mabigyan lamang kami ng maayos na buhay. Nakita ko ang hirap na kanilang pinagdaanan mapag-aral lamang kaming magkakapatid.โ€

Taong 2018 ng mapabilang siya sa mga maswerteng benepisyaryo ng Provincial Scholarship Program (PSP) ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato at ito ang isa sa mga nakatulong sa kanya upang makamit ang minimithing tagumpay sa kabila ng hirap at pagsubok bilang isang estudyante.

โ€œSa totoo lang, naging malaking tulong po ang provincial scholarship program sa aking pag-aaral lalo na po at financially unstable po kami. Even though free tuition ang USM, problema po ang pang araw-araw na baon at bayarin sa school. Mas naging malaking tulong po ang allowance na natanggap ko sa scholarship during senior years kasi nagamit ko ito panggastos sa aking thesis,โ€ saad ni Silapan.

Malaki rin ang kanyang pasasalamat kay Governor Mendoza sa pagbibigay sa kanya at sa iba pang mag-aaral ng pagkakataon na maging benepisyaryo ng PSP.

Nabanggit din nito na hindi niya inaasahang mapapabilang siya sa may pinakamataas na markang makukuha sa nasabing pagsusulit kasama ang isa pa nitong kaklase na si Mohaimen Hadji Omar Pasawilan na nasa Rank 10.

Batay sa datos ng Professional Regulation Commission (PRC), abot sa 16,936 na indibidwal ang kumuha ng Civil Engineering Board Exam nitong Abril at 5,887 lamang ang pumasa.

โ€œTo be honest, hindi ko talaga inexpect na makakapasok ako sa Top 10 ng board exam kasi alam ko maraming nagtake ng exam na galing din sa mga prestihiyosong unibersidad sa buong Pilipinas.โ€

Dagdag pa niya, na tatlo rin sa kanyang kasamang mga benepisyaryo ng PSP ang pumasa sa nasabing pagsusulit ito ay sina Engineers Mark Andrei Cariรฑo, Harold Bogacia at Ricalyn Arcangel.

Sa kanyang panapos na mensahe, hinikayat ni Jester ang mga kabataang nais maging inhenyero na patuloy na magsumikap at lalo pang pagbutihin ang pag-aaral. Binigyang diin din nito ang kahalagahan ng pagpili ng mabuting kaibigan na malaki ang maitutulong sa pagkamit ng pinapangarap na tagumpay.

โ€œSa kapwa ko kabataan, mahirap talaga ang engineering o anumang kurso sa kolehiyo ngunit tandaan natin na okay lang mag fail, okay lang mapagod at okay lang din ang magpahinga ang importante wag tayong sumuko at patuloy nating abutin ang ating mga pangarap,โ€ pagtatapos ni Silapan.//idcd-pgo-sotto/PhotobyJJSilapan//