𝐀𝐦𝐚𝐬, 𝐊𝐢𝐝𝐚𝐩𝐚𝐰𝐚𝐧 𝐂𝐢𝐭𝐲| 𝐀𝐛𝐫𝐢𝐥 𝟐𝟓, 𝟐𝟎𝟐𝟑- Panibago na namang proyektong pangkalusugan ang itatayo sa bayan ng President Roxas, Cotabato na pinondohan ng abot sa P9.4M sa ilalim ng Health Facility Enhancement Program o HFEP ng Department of Health (DOH).
Ito ay matapos pangunahan ngayong araw ni Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza, 2nd District Representative Rudy Caoagdan, Pres. Roxas Mayor Jonathan Mahimpit at DOH Provincial Director Rubelita Agalut ang groundbreaking ceremony ng super health center na itatayo sa naturang bayan.
Sa kanyang mensahe pinasalamatan ni Mayor Mahimpit ang DOH at pamahalaang panlalawigan sa patuloy nitong pagbibigay ng suporta lalo na sa larangan ng serbisyong medikal.
Umaasa ito na sa pagpapatayo ng isang super health center sa kanyang bayan ay mas marami pang mamamayan ang matulungan lalo na yong mga indibidwal na may iniindang karamdaman.
Nagpaabot naman ng kanyang pagbati sa mga opisyal at residente si Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza at binigyang diin na maswerte ang bayan dahil mabibigyan ito ng bagong pasilidad na makakatulong sa pagtugon sa pangangailangang medikal ng bayan.
Masaya rin si Congressman Caoagdan dahil nakikita nito na prayoridad sa probinsya ng Cotabato ang kalusugan na isang mahalagang aspeto sa pag-unlad ng isang komunidad.
Nasa nasabi ring aktibidad, sina Board Member Ryl John Caoagdan, PCL President Rene Rubino, Vice Mayor Jaime Mahimpit, at iba pang opisyal ng bayan.//idcd-pgo-sotto/Photoby SMNanini//