๐๐ฆ๐๐ฌ, ๐๐ข๐๐๐ฉ๐๐ฐ๐๐ง ๐๐ข๐ญ๐ฒ| Abril 13, 2023– Inatasan ngayon ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliรฑo Mendoza ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at iba pang opisina ng kapitolyo na paghandaan ang pagpasok ng El Niรฑo phenomenon.
Ayon kay Acting Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Head Arnulfo Villaruz, batay sa weather forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA nasa 55 porsyento ang posibilidad na makakaranas ng El Niรฑo ang bansa at ito ay inaasahang magsisimula sa 3rd quarter ng 2023 at magtatagal hanggang sa 1st quarter ng 2024.
Nagbabala din ang PAGASA na sa panahon ng El Niรฑo makakaranas ng mababa pa sa normal na pag-ulan na maaring magdulot ng tagtuyot sa ilang bahagi ng bansa.
Bilang paghahanda, una ng nagsagawa ng pagpupulong ang PDRRMO kasama ang opisina ng Integrated Provincial Health Office (IPHO), Office of the Provincial Agriculturist (OPAg), Office of the Provincial Veterinarian (OPVet), Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP) upang makabuo ng El Niรฑo preparedness plan.
Nanawagan din si Villaruz sa mga mamamayan ng lalawigan na maging handa, magtipid ng tubig at ugaliing makipag-ugnayan hinggil sa isinasagawang paghahanda ng mga lokal na pamahalaan.//idcd-pgo-sotto//