Amas, Kidapawan City | Marso 29, 2023 – Abot sa P1,620,000 kabuoang halaga o 45 units ng solar-powered streetlights ang nailagay ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa loob ng Provincial Capitol Compound, Amas, Kidapawan City.
Kabilang sa mga lugar na napailawan ng opisina ay ang sumusunod:
โข Daan at paligid ng crossing Department of Education- Cotabato Division at Cotabato Provincial Police Office (CPPO);
โข Road sections sa paligid ng Agri-center at Office of the Provincial Agriculturist (OPAg);
โข daan at paligid ng Cotabato Provincial Hospital (CPH);
โข Paligid ng The Basket;
โข Daan papuntang Regional Evacuation Center;
โข Daan at paligid ng Children’s Park; at
โข Daan sa harap ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO)
Ang paggamit ng solar-powered lights ay isa sa mga isinusulong ni Governor Emmylou “Lala” Taliรฑo Mendoza na makakatulong sa pagtitipid ng enerhiya at pangangalaga sa kalikasan.
Ito ay pinondohan sa ilalim ng 2022 DRRM funds na naglalayong mapanatili ang liwanag sa loob ng kapitolyo lalo na sa pagsapit ng gabi. //idcd-pgo-mombay//