๐Š๐š๐ฆ๐ฉ๐š๐ง๐ฒ๐š ๐ค๐จ๐ง๐ญ๐ซ๐š ๐ญ๐ฎ๐›๐ž๐ซ๐œ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฌ๐ข๐ฌ ๐ฆ๐š๐ฌ ๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ข๐ ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ง๐  ๐ˆ๐๐‡๐Ž

Amas, Kidapawan City I March 29, 2023 -Sa pagsisikap ng pamahalaang lalawigan sa pamumuno ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” J. Taliรฑo- Mendoza na matuldukan ang nakakahawang sakit na tuberculosis (TB), isinasagawa ang serye ng mass X-ray examination sa buong probinsya sa pamamagitan ng Integrated Provincial Health Office (IPHO) at Rural Health Units (RHUs).

Sa kasalukuyan, nakapagtala ang IPHO ng 356 na pasyenteng sumailalim sa x-ray examination mula sa labing-limang bayan ng lalawigan upang matukoy ang mga Cotabateรฑong dumaranas ng nasabing sakit.

Sa nasabing aktibidad, ang pasyenteng matutukoy bilang TB-positive ay agad na sasailalim sa anim na buwan hanggang isang taong gamutan ayon sa pamantayan ng Tubeculosis Control Program ng Department of Health.

Magpapatuloy naman ito sa lungsod ng Kidapawan ngayong araw, March 28, hanggang bukas, at magpapatuloy sa bayan ng Makilala sa March 30-31 at bayan ng Mlang sa April 3.

Ayon sa IPHO, bahagi rin ng nasabing kampanya ang taunang paggunita ng World TB Day na ginanap sa bayan ng Magpet nitong Biyernes, March 24, kung saan nagsagawa ng health education hinggil sa sakit na TB na siyang kinikilala bilang isa sa mga sanhi ng kamatayan sa buong mundo. Ang 2023 World TB Day ay temang โ€œYes! We can end TB!โ€//idcd-pgo-frigillana/photoby IPHO//

+4