Amas, Kidapawan City| Marso 16, 2023- Masayang sinalubong ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliรฑo Mendoza ang mga matataas na opisyal at miyembro ng National Task Force for the Disbandment of Private Armed Groups (NTF-DPAGs) na nagsagawa ng committee meeting nitong Miyerkules, Marso 15, 2023 sa Tuburan Hall, Provincial Capitol Compound, Amas, Kidapawan City.
Ang nasabing pagpupulong ay pinangunahan ni Department of the Interior and Local Government Secretary at NTF-DPAGs Chairman Benjamin D.C. Abalos Jr., kasama sina Officer-in-Charge Department of National Defense at Vice Chairperson Carlito G. Galvez at Acting Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity Secretary Isidro L. Purisima.
Sa kanyang mensahe, masaya ang gobernadora dahil napili ang probinsya ng Cotabato na maging host ng nasabing pagtitipon.
Hinikayat din nito ang mga matataas na opisyal at bisitang pumunta, na dalawin ang Museyo Kutawato na sumasalamin sa tunay na ganda ng lalawigan sa kabila ng pagkakaiba ng paniniwala, tradisyon, kultura at tribu ng mga mamamayang naninirahan dito.
Nagpasalamat naman ang National Task Force DPAGs sa pangunguna ni Secretary Abalos sa pamunuan ni Governor Mendoza sa mainit nitong pagtanggap sa kanila at pagpayag na maging host ng nasabing pagpupulong.
Ang NTF-DPAGs ay nabuo sa bisa ng Memorandum Circular No. 83, series of 2015 upang matiyak ang seguridad at maayos na maipatupad ang mga probisyon sa ilalim ng Comprehensive Agreement on Bangsamoro.
Ito ay naglalayong wakasan ang private armed groups (PAGs) matapos maratipikahan ang Bangsamoro Organic Law (BOL) at maitatag ang Bangsamoro Transition Authority (BTA) na isa sa mga nakikitang banta sa kapayapaan at seguridad lalo na sa mga Bangsamoro Regions.
Nasa nasabi ring pagpupulong sina Chief of Staff Armed Forces of the Philippines Lieutenant General Greg T. Almerol, Philippine National Police Chief Police Major General Jonel C. Estomo, DILG Under Secretary for Peace and Order Oscar F. Valenzuela at iba pang miyembro ng oversight committee.//idcd-pgo-sotto/photocreditSMNanini//