Amas, Kidapawan City | Marso 16, 2023 – Sa kanyang pagbabalik bilang ina at pinakamataas na opisyal ng lalawigan, matagumpay na nailahad ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” J. Taliรฑo-Mendoza ang kanyang State of the Province Address [SOPA] kasabay ng 32nd Regular Session ng Sangguniang Panlalawigan na ginanap nitong Martes. Marso 14, 2023 sa Provincial Gymnasium, Amas, Kidapawan City.
Sentro ng naging ulat ni Governor Mendoza ang mga programang kanyang naipatupad sa ilalim ng adbokasiya ng Serbisyong Totoo matapos ang unang siyam na buwang panunungkulan nito.
Kabilang dito ang financial status ng pamahalaang panlalawigan, mga infrastructure and socio-economic development projects, mga serbisyong naibigay hinggil sa food security & agriculture development, social & health development, maging sa education & youth development, peace & order at security.
Inihalintulad din ng Gobernadora ang kanyang pamamahala sa isang magsasaka na nagpunla ng binhi o butil na kinilalang “Serbisyong Totoo”. Bilang magsasaka, masigasig niya itong inalagaan upang tumubo, lumago at mamunga ng maganda.
“We shall endeavor to help make lives better for Cotabateรฑos. We will not only water the seeds that we have sown. We will also ensure that it gets the needed support until it bears fruit and become self-sufficient and productive,” ayon pa sa gobernadora.
Kasama sa naturang aktibidad ang lahat ng miyembro ng Sangguniang Panlalawigan sa pamumuno Provincial Vice Governor Efren F. Piรฑol.
Dinaluhan din ito ng mga representate mula sa national at regional line agencies, elected at key officials ng probinsya, mga department heads at kawani ng pamahalaang panlalawigan at iba pang mahahalagang panauhin.//idcd-pgo-frigillana/mombay/photoscreditSMNanini//