๐๐ฆ๐๐ฌ, ๐๐ข๐๐๐ฉ๐๐ฐ๐๐ง ๐๐ข๐ญ๐ฒ|๐๐๐๐ซ๐๐ซ๐จ ๐3, ๐๐๐๐- Inimbitahan nitong Martes, Pebrero 22, 2023 ng Office of the Provincial Agriculturist ang AgriDom Company na magsagawa ng isang Drone Spraying Trial sa isang plantasyon ng rubber sa Purok 7, Sitio Maligaya, Balindog, Kidapawan City.
Ayon kay Provincial Rubber Coordinator Vladimir Eusala, ang nasabing trial ay bahagi ng paghahanda ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato sa sandaling makapasok sa probinsya ang bagong nadiskubreng sakit ng rubber ang โPestalotiopsisโ o leaf fall disease na siya ngayong nanalanta sa mahigit 800 ektaryang rubber plantation sa probinsya ng Basilan at karatig lugar nito na Zamboanga Peninsula.
Dagdag pa ni Eusala na plano ngayong bumili ng probinsya ng agricultural drone sprayer na magagamit hindi lamang sa pagkontrol ng Pestalotiopsis kundi makakatulong din na mapigilan ang pagkalat ng algal spot sa mga fruit trees ,oil palm at iba pang sakit sa pananim na maaaring magdulot ng panganib sa sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng pagbaba ng ani.
Kung matatandaan, kamakailan lamang ay nagpatawag ng rubber stakeholders meeting at naglabas din ng executive order si Governor Emmylou โLalaโ Talino Mendoza na nag-aatas sa mga stakeholders na maging โproactiveโ at palakasin ang surveillance, detection, monitoring, at information dissemination upang mapigilan ang pagpasok sa probinsya ng ibaโt ibang sakit sa pananim at maging sa hayop.
Kasali rin sa drone trial upang makapagbigay ng obserbasyon at rekomendasyon sina Opag Consultant Eliseo M. Mangliwan, Acting Provincial Agriculturist Remedios M. Hernandez, Kidapawan City Agriculturist Marissa Aton, AgriDom Company Operation Manager Genero Valencia at representante mula sa Department of Agriculture- Amas Research and Experiment Station.//idcd-pgo-sotto/photo credit OPAg//