๐๐ฆ๐๐ฌ, ๐๐ข๐๐๐ฉ๐๐ฐ๐๐ง ๐๐ข๐ญ๐ฒ| ๐๐๐๐ซ๐๐ซ๐จ 21, ๐๐๐๐- Hindi alintana ng mga residente ng Sitio Tahongtong, Brgy. Lama-Lama at Brgy. Greehills, President Roxas, Cotabato ang init ng panahon masaksihan lamang ang turnover ng kanilang bagong water system project mula sa pamahalaang panlalawigan ng Cotabato.
Ang nasabing water system project sa Barangay Lama-lama ay nagkakahalaga ng P2M na mapapakinabangan ng 116 households, samantalang abot naman sa P2.5M ang proyektong patubig na natanggap ng Brgy. Greenhills na mapapakinabangan naman ng 276 households.
Pasasalamat ang ipinaabot ni Lama-lama Brgy. Chairman Ariel A. Ante at Greenhills Brgy. Chairman Edgar N. Siva kay Governor Emmylou “Lala” Taliรฑo Mendoza dahil sa wakas mayroon ng malinis na maiinom na tubig ang kanilang nasasakupan na mahalaga sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay.
Sa kanyang mensahe, binigyang diin ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliรฑo Mendoza na ang adbokasiyang serbisyong totoo ay seryoso sa pagpapatupad ng mga napapanahon at proyektong nakabatay sa pangangailangan ng barangay.
Ang nasabing turnover ay ginanap nitong Lunes, Pebrero 20, 2023 na dinaluhan din nina Philippine Councilors League Provincial President Rene Rubino, IP Provincial Mandatory Representative Arsenio Ampalid, Sangguniang Bayan (SB) officials ng President Roxas, Provincial Engineer Esperidion Taladro at mga barangay officials ng nabanggit na mga barangay.//idcd-pgo-sotto//