Amas,Kidapawan City| Enero 30, 2023-Magpapatawag ng isang rubber stakeholders meeting si Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliรฑo Mendoza bukas Enero 31, 2023 upang pag-usapan ang bagong nadiskubreng sakit sa rubber na “Pestaloptiopsis.”
Ito ay matapos na iprisenta noong Enero 26, 2023 ni Senior Science Research Specialist Dr. Jill D. Villanueva ng Philippine Rubber Research Institute (PRRI) ang isa sa pinangangambahang sakit sa rubber trees na Pestaloptiosis o Leaf Fall Disease na namataan ng nakapaminsala sa bansang Thailand, Indonesia, Malaysia, China, at Sri Lanka.
Sa kanyang presentasyon sinabi ni Dr. Villanueva, “Rubber trees that were infected by Pestalotiopsis show a typical circular, light to brown spots with defined borders or boundary between the healthy and infected leaves that later coalesce into an irregular spot. The leaves of the infected trees usually fall off from the branches that appear dark brown and results to a leafless canopy due to severe leaf fall.”
Dagdag pa nito na ang PRRI at SOCCSKSARGEN Agriculture and Aquatic and Natural Research and Development Consortium (SOXAARRDEC) na nakabase sa University of Southern Mindanao ay handang makipagtulungan sa iba’t ibang local government units hindi lamang sa probinsya kundi sa buong rehiyon XII upang makapaglatag ng epektibong mekanismo upang mapigilan ang pagpasok ng nasabing sakit sa rubber.
Pursigido naman si Governor Mendoza na bumuo ng epektibong mekanismo sa tulong ng mga eksperto at rubber stakeholders upang maiwasan ang pagpasok ng nasabing sakit na maaaring makaapekto sa industriya ng rubber sa lalawigan.
Nakatakda rin itong magpalabas ng executive order para matiyak na maayos na mapapatupad ang mga polisiya at estratehiyang mapagkakasunduan sa isasagawang stakeholders meeting.
Dumalo rin sa isinagawang presentasyon kahapon sina, SOXAARRDEC Director Dr. Josephine R. Megalbin, R&D Cluster Coordinator Dr. Jurmahid C. Imlan, USM Professor Dr. Tamie C. Solpot, Acting Provincial Agriculturist Remedios Hernandez, Acting Provincial Planning and Development Coordinator Jonah Balanag, Boardmember Jonathan Tabara at ilang personahe ng OPAg.//idcd-pgo//