Governor Mendoza pinasalamatan ang mga kawani ng Kapitolyo sa matagumpay na year-end relief operations

Amas, Kidapawan City | January 25, 2023-Labis na pinasalamatan ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza ang mga kawani ng pamahalaang panlalawigan sa lahat ng kanilang sakripisyo upang maging matagumpay ang isinagawang Year-End Relief Operations nito para sa mga mamamayan ng lalawigan ng Cotabato.

Ginawa ni Governor Mendoza ang kanyang pahayag kasunod ng flag raising ceremony ng mga kawani ng probinsya nitong Lunes January 23, 2023 sa Capitol Compound, Amas Kidapawan City.

Abot sa 361,237 pamilya ang natulungan ng pamahalaang panlalawigan sa isinagawang relief operations nito sa labingpitong bayan at isang lungsod ng probinsiya na sinimulan noong December 21, 2022 sa bayan ng Carmen at Kabacan at nagtapos nito lamang Enero 19, 2023 sa lungsod ng Kidapawan.

Kabilang sa mga pinasalamatan ng gobernadora ay ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at Provincial Engineer’s Office (PEO) na siyang nangasiwa at tumulong para sa maayos at matagumpay na pagsasagawa ng nasabing relief distribusyon.

Ang relief distribution ay isang flagship program ni Governor Mendoza na inilunsad noon pang 2016 na naglalayong matulungan ang mga Cotabateñong mahihirap at apektado ng iba’t ibang kalamidad.//idcd-pgo//