๐๐บ๐ฎ๐, ๐๐ถ๐ฑ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐๐ถ๐๐ | ๐๐ฎ๐ป๐๐ฎ๐ฟ๐ 25, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฏ – Kasabay ng isinagawang Rice Technical Working Group Meeting nitong Martes, pinangunahan ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” J. Taliรฑo-Mendoza ang ceremonial turnover ng P4.5M na halaga ng tseke mula sa pamahalaang panlalawigan na gagamitin para sa Palay Marketing Assistance Program for Legislators and Local Government Units (PALLGU) ng National Food Authority (NFA).
Ang PALLGU ay isang programa ng NFA na naglalayong tulungan ang mga magsasaka ng palay sa pamamagitan ng paghingi ng suporta mula sa provincial at local government units.
Sa ngayon binibili ng NFA sa halagang P19/kg ang palay na ibinebenta ng magsasaka sa probinsya at sa tulong ng PALLGU program ay madadagan ito depende sa presyo na inilatag ng LGU at pondong ibibigay nito sa NFA.
Masaya namang tinanggap ni NFA North Cotabato Branch Office Acting Branch Manager Luisito N. Mangayayam ang tseke at nagpaabot ng taos pusong pasasalamat sa pamahalaang panlalawigan lalong lalo na kay Governor Mendoza sa walang sawang suporta nito sa masisipag na magsasaka ng probinsya.//๐ช๐ฅ๐ค๐ฅ-๐ฑ๐จ๐ฐ//