๐๐ฆ๐๐ฌ, ๐๐ข๐๐๐ฉ๐๐ฐ๐๐ง ๐๐ข๐ญ๐ฒ| ๐๐ง๐๐ซ๐จ ๐, ๐๐๐๐- โProyektong konkreto, mahikap ug mapuslan.โ Ito ang pinatunayan ng pamunuan ni Cotabato Governor Emmylou โLalaโ Taliรฑo Mendoza sa mga taga barangay Indangan, Makilala, Cotabato matapos itong naglaan ng pondong abot sa P12,997,519 para sa pagpapakonkreto at pagpapa-aspalto ng daan sa nasabing barangay.
Ito ay may habang abot sa 1,127 meters na pinondohan ng probinsya sa ilalim ng 20% Economic Development Fund (EDF) ng lalawigan na mapapakinabangan ng mga residente, magsasaka at commuters mula sa mga barangay ng New Cebu at Saguing, Makilala at Barangay Nuangan, Kidapawan City.
Kung matatandaan isa sa mga prayoridad na proyekto at programang isinusulong ni Governor Mendoza sa kanyang 12-point agenda ay ang infrastructure and barangay development na naglalayong makapagbigay ng dekalidad at naaayon sa panahon na proyektong pang-imprastraktura para sa mamamayang Cotabateรฑo. //idcd-pgo/photo credit PEO//