๐๐บ๐ฎ๐, ๐๐ถ๐ฑ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐๐ถ๐๐ | ๐๐ฎ๐ป๐๐ฎ๐ฟ๐ ๐ฐ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฏ – Pasasalamat at biyaya ang bungad sa taong 2023 para sa mga benepisyaryo ng Serbisyong Totoo Entrepreneurial Program (STEP) check distribution sa bayan ng Matalam, President Roxas, Arakan at Kidapawan City nitong araw ng Martes, January 3, 2023.
Abot sa P255,000 halaga na tseke ang naipamahagi ng Provincial Cooperative Development Office (PCDO) sa 63 na maliliit na negosyante ng nasabing mga bayan. 60 sa mga ito ang nakatanggap ng kanilang 2nd tranche na P4,000 kung saan matatanggap nila kapag natapos ang pagbabayad ng 1st tranche na P2,000. Habang 3 naman sa mga ito ang nakatanggap ng STEP grant na nagkakahalaga ng P5,000 para sa mga nakapagtapos ng pagbayad sa kanilang 1st at 2nd tranches.
Ang programang ito ay ayon sa direktiba ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliรฑo-Mendoza na mabigyan ng tulong ang mga maliliit na negosyante sa lalawigan.
Dumalo rin sina 3rd District Board Member Jonathan M. Tabara, Ex-Officio Board Members Indigenous People Mandatory Representative Timuey Arsenio M. Ampalid at Philippine Councilors’ League Provincial President Rene V. Rubino sa nasabing programa bilang representante ni Gov. Mendoza.
Ngayong araw naman gaganapin ang kaparehong aktibidad sa bayan ng Aleosan, Midsayap at Libungan.//๐ช๐ฅ๐ค๐ฅ-๐ฑ๐จ๐ฐ//