๐๐บ๐ฎ๐,๐๐ถ๐ฑ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐๐ถ๐๐| ๐๐ถ๐๐๐ฒ๐บ๐ฏ๐ฟ๐ฒ ๐ญ8, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฎ- Tumanggap ng parangal mula sa Golden Globe Annual Awards bilang Outstanding Filipino Achiever 2022 sa larangan ng public service si Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliรฑo Mendoza.
Ginanap ang 15th Year Grand Awards Night nitong Biyernes, Disyembre 16, 2022 sa Manila Hotel Fiesta Pavilion Grand Ballroom, One Rizal Park, Manila City, Philippines.
Buong puso namang nagpasalamat si Mendoza sa lahat ng Cotabateรฑo sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataon na maibahagi ang kanyang oras, talento at galing sa larangan ng serbisyo publiko at bilang isang lingkod bayan.
Kabilang din sa pinarangalan na kasama ni Governor Mendoza sina Vice President Sara Z. Duterte-Carpio, Senator Christopher Lawrence “Bong” Go at Dinagat Island Governor Nilo P. Demerey, Jr.
Kung matatandaan noong buwan ng Agosto ay tumanggap rin ng Outstanding Alumnus Award ang gobernadora mula sa Department of National Defense-National Defense College of the Philippines at National Defense College of the Philippines Association Inc. dahil sa naging kontribusyon nito sa larangan ng pambansang seguridad at kaunlaran bilang isang local chief executive ng lalawigan ng Cotabato. //idcd-pgo//