๐๐ฆ๐๐ฌ, ๐๐ข๐๐๐ฉ๐๐ฐ๐๐ง ๐๐ข๐ญ๐ฒ | Disyembre 18, ๐๐๐๐ – Kasabay ng isinagawang Coordinative Meeting for the Inter-Agency Management Monitoring and Advisory Group (IMMAG) tungkol sa Malitubog-Maridagao Irrigation Project (MMIP) – Stage II dumalo din si Governor Emmylou “Lala” Taliรฑo-Mendoza kung saan binigyang diin nito ang kahalagaan ng mahusay na implementasyon ng nasabing proyekto para mapabuti ang kabuhayan ng mga Cotabateรฑo lalung lalo na ang agrikultura ng probinsiya.
Ang MMIP ay isang P5.1B irrigation project na naglalayong madagdagan ang produksyon ng palay at maibsan ang kahirapan sa pamamagitan ng sustainable agricultural development tungo sa isang mapayapang pamayanan lalo na sa mga lugar na apektado ng kaguluhan sa mga probinsiya ng Cotabato at Maguindanao.
Napagkasunduan sa nasabing aktibidad ang pag-imbita sa Department of Agrarian Reform (DAR) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) upang maisaayos ang solusyong isasagawa, pag-anyaya ng mga representante mula sa bayan ng Pagalungan at Datu Montawal, at pagdagdag ng Philippine National Police bilang miyembro ng IMMAG.
Ang nasabing pagpupulong ay dinaluhan rin ni 1st District Board Member Sittie Eljori Antao-Balisi at 3rd District Board Member Jonathan Tabara kasama si Provincial Advisory Council Member Ramon Floresta, at iba pang stakeholders na ginanap sa Governor’s Cottage, Amas, Kidapawan City nitong Huwebes Decmber 15, 2022.//idcd-pgo// Photo credit: SMN