๐๐บ๐ฎ๐, ๐๐ถ๐ฑ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐๐ถ๐๐| ๐ข๐ธ๐๐๐ฏ๐ฟ๐ฒ ๐ฎ5, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฎ- Naging matagumpay ang pag-uulat ni Cotabato Governor Emmylou โLalaโ Taliรฑo Mendoza sa kanyang mga nagawa sa unang isang daang araw ng kanyang panunungkulan bilang gobernador ng lalawigan.
Sa kanyang 100 days report na ginanap sa Provincial Capitol Gymnasium, Amas, Kidapawan City nitong Lunes, Oktubre 24, 2022, isa-isang inilahad ni Governor Mendoza ang mga programang kanyang tinutukan lalo na sa pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan ng mga Cotabateรฑo.
Naging sentro din ng kanyang talumpati ang 12-point agenda ng kanyang administrasyon batay sa adbokasiya ng Serbisyong Totoo na kinabibilangan ng sumusunod: Peopleโs Participation and Empowerment; Women with Disabilities (PWDs), Sr. Citizens, LGBTQIA+ Empowerment Programs and Benefits; Social Services; Cultural Preservation, Peace and Harmony, Tri-people Council for Peace; Health for All and Protection Against Infectious Diseases; Disaster Preparedness, Response and Resilience; Agricultural Productivity and Livelihood; Environment and Tourism Development; Infrastructure and Barangay Development; Education for All; Youth Empowerment and Sports Development at Moral Recovery, Good Governance, Accountability and Transparency.
Inilahad din nito na ang tiwala ng bawat Cotabateรฑo ang kanyang naging inspirasyon para magpursige at magsumikap sa pagbibigay ng dekalidad na serbisyo publiko.
โ๐จ๐ ๐ฐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ , ๐ฐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐, ๐๐๐๐ ๐๐๐, ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐. ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐. ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐. ๐ป๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐. ๐ถ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐,โ lahad ng gobernadora.
Nanawagan din ito sa mamamayan at opisyales ng lalawigan na tulungan siyang maipatupad ang mga programa at proyekto para sa ikakaunlad ng lalawigan ng Cotabato.
โ๐ณ๐๐ ๐๐๐ ๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐. ๐จ๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐, ๐๐ ๐๐๐๐ ๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐. ๐ณ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐. ๐พ๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐.”
Kasabay ng 100 days report ng ina ng lalawigan, nagbigay din ng maiksing mensahe sina 2nd District Representative Rudy Caoagdan, 3rd District Representative Ma. Alana Samantha T. Santos, at TUCP Partylist Representative Raymond Democrito C. Mendoza kung saan naibahagi rin ng mga ito ang ilan sa kanilang mga mahahalagang nagawa loob ng isang daang araw sa panunungkulan.
Ang aktibidad ay sinaksihan ng higit kumulang sa 3,000 mga Cotabateรฑos.
Nakiisa rin sa nasabing pagtitipon ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, Municipal Chief Executive, Sangguniang Bayan Members, Regional and Provincial Directors mula sa ibaโt ibang ahensya, academe, civil society organizations, law enforcers, department heads, barangay officials, mga kawani ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato at iba pang mga bisita.//idcd-pgo//