Amas, Kidapawan City- Binisita ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliรฑo Mendoza upang magbigay ng inspirasyon ang mga Sangguniang Kabataan (SK) Federation Presidents mula sa iba’t ibang munisipyo, lungsod at probinsya ng rehiyon XII na dumalo sa SK Regional Congress na ginanap sa Green Leaf Hotel, General Santos City.
Sa nasabing pagtitipon hinikayat ni Governor Mendoza ang mga SK officials na maging wais sa paggamit ng pondo ng sanggunian dahil malaki ang magagawa nito sa paghubog ng kinabukasan ng mga kabataan.
Sinabi nito na isa ang SK sa mga naging inspirasyon niya kaya siya ay umabot ng 30 taon sa serbisyo publiko.
Binigyang diin din ng gobernadora na bilang isang public servant mahalaga ang edukasyon at kailangan maging huwaran ang mga ito sa kilos, sa salita at magandang pag-uugali dahil sila ang inaasahang magiging lider ng mga darating na henerasyon.
Nakiisa rin sa aktibidad upang magbigay ng kanyang pagbati at mensahe si 3rd District Congresswoman Ma. Alana Samantha T. Santos.
Ang SK Regional Congress ay sinimulan noong Oktubre 17 at nagtapos nitong Oktubre 19, 2022.
Ito ay dinaluhan din ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Regional Director Josephine Cabrido Leysa, DILG Provincial Director Ali B. Abdullah at SK Provincial Federation President Sarah Joy Simblante.//idcd//