Amas, Kidapawan City- Naging sentro ng isinagawang Peace and Order Council Executive Committee (PPOC-ExeCom) Meeting nitong Martes, Oktubre ang pagresolba sa peace and security issues sa bayan ng Pikit, Cotabato na nagdulot ng pangamba sa mga residente ng naturang bayan.
Ayon kay PPOC Chair Governor Emmylou โLalaโ Taliรฑo Mendoza ang problema sa bayan ng Pikit ay hindi lamang problema ng mga nasa katungkulan ngunit malaking kabahagi nito ang kooperasyon ng bawat mamamayan sa bayan.
Kaya naman, maliban sa matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ay ipinatawag din ni Governor Mendoza ang opisyal ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, Moro Islamic Liberation Front (MILF) at BARMM Police Regional Office upang makapaglatag ng konkretong solusyon sa problemang kinakaharap ng bayan.
Ayon sa gobernadora, kailangang magtulungan ang pamahalaang panlalawigan ng Cotabato at BARMM lalo na at ilan sa mga naitalang kaso ng rido, pamamaril at harassment ay hindi lamang nangyayari sa 20 barangay na sakop ng Pikit kundi sa 22 barangay din na sakop ng Special Geographic Area ng BARMM.
Sa kanyang mensahe, naging positibo naman ang tugon ni Moro Islamic Liberation Front Ad Hoc Joint Action Group (MILF-AHJAG) Chair Anwar R. Alamada at nangakong makikipagtulungan sa pamahalaang panlalawigan sa pagresolba ng krimen at isyung pangkapayapaan sa bayan.
โAs chairman of the AHJAG we are more than willing to help in whatever solution na mapag-usapan po natin dito. Makakaasa po kayo na yong mga protocols po natin na kapag ang kriminal po ay doon pumunta sa communities na sakop natin handa po kaming makipagtulungan sa abot po ng aming makakaya. โ wika ni Alamada.
Ito ay sinang-ayunan naman ni MILF Chair of the Coordinating Committee on the Cessation of Hostilities (CCCH) Butch Malang kung saan nagpahayag din ito ng pagsuporta sa agarang pagresolba sa problemang kinakaharap ng bayan.
Inihayag naman ni 6ID Commander MGen Roy M. Galido, na ang problemang kinakaharap sa bayan ng Pikit ay bunga ng naglipanang loose firearms na matutugunan lamang sa pamamagitan ng pagkontrol nito at paglalatag ng komprehensibong plano.
Ilan sa mga rekomendasyong nailatag ng PPOC sa nasabing pagpupulong ay ang sumusunod:
Pag deploy ng mobile forces mula sa BARMM na siyang tututok sa mga barangay na napapabilang sa SGA
Pagpapabilis ng establishment ng 4 cluster police station sa SGA-BARMM
Pagsuporta sa decommissioning o balik baril program
Pagpapapatupad ng gun ban policy sa bayan upang matugunan ang paglipana ng hindi lisensyadong baril
At paghuli sa mga indibidwal na nagmamay-ari ng motorsiklo na walang lisensya o kaukulang dokumento na kadalasang ginagamit ng mga riding-in- tandem suspects.
Dumalo rin sa nasabing pagpupulong sina Police Regional Director XII Jimili L. Macaraeg, Ministry of Interior and Local Government-SGA Representative Zaiton Abas, Board Member Sittie Eljorie Antao-Balisi, Liga ng mga Barangay (LnB) Provincial Federation President Phipps T. Bilbao, League of the Municipalities of the Philippines Cotabato Chapter President Mayor Jonathan O. Mahimpit, Department of the Interior and Local Government Provincial Director Ali B. Abdullah, Cotabato Police Provincial Director Harold Ramos, 602nd Brigade Commanding Officer BGen Jovencio F. Gonzales, CIDG XII Regional Chief PCol Marvin Wynn Marcos, National Intelligence Coordinating Agency XII Director Eduardo T. Marquez, PDEA Regional Director XII Naravy D. Duquiatan, mga batallion commanders at iba pang stakeholders.//idcd//