PAMAMAHAGI NG SCHOLARSHIP CASH GRANT

Ipinamahagi na nitong Huwebes, Setyembre 29, 2022 ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato ang scholarship cash grant sa 579 na provincial government scholars na nag-aaral sa iba’t-ibang paaralan ng Kabacan at Kidapawan, City.

356 na iskolar ang nakatanggap ng grant mula sa bayan ng Kabacan, samantalang 223 iskolar naman ang nakatanggap mula sa lungsod ng Kidpawan.

Ang Provincial Scholarship Program(PSP) ay bahagi ng prayoridad na programa ng probinsya sa pangunguna ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza na naglalayong matulungan ang poor but deserving students ng probinsya.

Ang scholarship cash grant na nagkakahalaga ng P6,000 bawat iskolar o may kabuoang halaga na abot sa P3.474M ay ipinamahagi ng Provincial Treasurer’s Office (PTO) katuwang si Provincial Scholarship Coordinator Jayde Ferolin.

Sa kanyang mensahe bilang kinatawan ni Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza sinabi ni Kidapawan City Councilor Airene Claire “Aying” Pagal na ang probinsya sa pangunguna ni Governor Mendoza ay tinututukan ang kapakanan at kinabukasan ng mga kabataang Cotabateño sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga programang angkop sa kanilang mga pangangailangan.

Ang pamamahagi ay isinagawa sa University of Southern Mindanao (USM) Kabacan Main Campus, at USM KCC,Campus sa Kidapawan City.//idcd//