Umarangkadang muli sa pagbibigay ng serbisyo ang Office of the Provincial Veterinarian (OPVet) sa mga piling barangay ng Tulunan.
Nitong Martes, Setyembre 7, 2022 tinungo ng opisina ang Barangay Bual, New Culasi at Tambak, Tulunan Cotabato kung saan 482 na pet animals ang nabigyan nito ng anti-anti rabies vaccine at 7,331 na mga hayop naman ang nakinabang sa veterinary intervention gaya deworming, vitamin supplementation at animal treatment na pinangunahan ng mga beterinaryo ng tanggapan.
Sa kanyang mensahe bilang kinatawan ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza sinabi ni Liga ng mga Barangay (LnB) Provincial Federation President Phipps T. Bilbao na ang pagsasagawa ng veterinary mission ay isa sa mga programang pinaigting ng probinsya upang matiyak ang kaligtasan ng mga farm at pet animals sa probinsya na bahagi na rin ng pang araw-araw na pamumuhay ng bawat Cotabateño.//idcd-pgo//