Mas lalo pang pinaigting ngayon ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato ang pagpapatupad ng surviellance and monitoring kasunod ng pagpasok ng Avian Influenza Virus o “Bird Flu” sa lalawigan.
Naitala ang unang kaso ng avian flu sa probinsya noong Marso 5, 2022, sa Barangay Bialong, M’lang, Cotabato kung saan abot 1,376 na mga itik ang na depopulate ng Office of the Provincial Veterinarian matapos itong mahawaan sa ipinastol na itik mula sa Sultan Kudarat na una ng nagpositibo sa virus.
Noong Marso 28, 2022 nilagdaan ni Governor Nancy A. Catamco ang Executive No.15 kung saan nakasaad dito na kailangang ipatupad sa probinsya ang striktong implementasyon ng Provincial Ordinance No. 558 Series of 2015 na nag-aatas ng temporaryong pag ban sa lahat ng mga poultry and by poultry products na lumabas o pumasok sa lalawigan upang mapigilan ang ang pagkalat nito; pagsasagawa ng mahigpit na surviellance ang monitoring sa pamamagitan ng pagkolekta ng blood samples at agarang pag depopulate sa mga manok, bibe, itik at iba pang domesticated bird na magpopositibo sa virus.
Ayon sa datus ng OPVet, sa ngayon ay nakapagkolekta na sila ng abot sa 1,118 blood samples mula sa 19 na mga barangay ng lalawigan at ilan dito ay nag negatibo na sa virus samantalang ang iba naman ay hinihintay pa ang resulta mula sa Regional Animal Disease Diagnostic Laboratory na matatagpuan sa General Santos City
Ang Avian Influenza o “bird flu” ay isang nakakahawang virus na maaaring magsanhi ng mild, moderate, severe na sakit o di kaya pagkamatay ng mga alagang manok o iba pang uri ng ibon, ito ay nakakahawa rin sa tao.//idcd-pgo//photo credit OPVet//