Amas, Kidapawan City (Decemeber 2, 2021)- Dahil sa aktibong pakikipag-ugnayan ni Governor Nancy A. Catamco sa mga opisyal ng pamahalaang nasyunal na matulungan ang mga kababayan na labis na naapektuhan ng pandemiya, higit sa P33-M pondo ang na-idownload ng Department of Labor and Employment (DOLE) para sa lalawigan ng Cotabato para sa taong 2021.
Ang nasabing pondo ay inilaan para sa programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Displaced/Disadvatage (TUPAD) Workers.
Batay sa datus ng Provincial Human Resource and Management Office (PHRMO), as of May 4 to November 29, 2021 abot na sa 2,961 TUPAD beneficiaries mula sa iba’t-ibang bayan ng lalawigan ang nakatanggap na ng cash payout mula sa DOLE na may kabuoang halaga na P13,353,004. Habang ang nalalabi namang P19.6-M pondo ay nakatakda namang ipamahagi ngayong buwan ng Disyembre para sa 5,853 TUPAD beneficiaries.
Taos-puso namang pinasalamatan ni Governor Catamco ang mga opisyal na hindi nag-atubiling magpaabot ng tulong at sa pagtugon ng mga ito sa kanyang personal na kahilingan na matulungan ang mga displaced workers ng lalawigan ng Cotabato.
Kabilang sa mga opisyal at ahensya na nagdownload ng naturang pondo sa DOLE para sa lalawigan ay ang sumumusunod: Senator Sonny Angara, Senator Lawrence “Bong” Go, Senator Pia Cayetano, Senator Risa Hontiveros, DOLE Secretary Sivestre Bello, Congresswoman Loren Legarda, at Office of the President.
Ngayong Lunes, ay muling mamahagi ng TUPAD payout para sa buwan ng Disyembre ang DOLE at ang pamahalaang panlalawigan ng Cotabato sa pamamagitan ng PHRMO.//idcd//