Tulunan, Cotabato (November 5, 2021 | Biyernes) – Limang mga proyektong pang-imprastraktura na abot sa P15.3M ang halaga ang tinanggap ng bayan ng Tulunan matapos pormal na tinurn-over ang mga ito sa kani-kanilang barangay nito lamang Biyernes.
Pinangunahan ni Governor Nancy A. Catamco ang ceremonial turnover na kinabibilangan ng covered court sa Brgy. La Esperanza (P2.8M); 420-meter road concreting sa Brgy. Sibsib (P4.5M); tribal hall sa Brgy. Kanibong (P1M); at 450-meter road concreting (P5M) at barangay hall sa Brgy. Minapan (P2M).
Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Mayor Reuel T. Limbungan ang pamahalaang panlalawigan sa liderato ni Governor Catamco dahil sa suporta nito sa mga Tulunense at pagsisikap na matulungan sa pag-unlad ang nasabing bayan dahil sa mga proyektong ibinuhos ng gobernador dito.
“Gapasalamat gid ang tibuok katawhan sa munisipyo sang Tulunan sa imo Gov. tungod abli kanunay ang imong kasing-kasing sa paghatag sang proyekto nga amon gikinahanglan,” saad pa nito.
Pasasalamat din ang mensahe ng gobernadora para sa mga opisyal ng barangay at sinabing, “kining mga proyektong inyong nadawat bunga kini sa inyong paningkamot nga mupaduol sa munisipyo ug probinsya aron mahatag ang saktong serbisyo sa inyo.”
Nakiisa rin sa magkasunod na turnover nitong Biyernes sa bayan ng Tulunan sina Former Provincial Administrator Efren F. Piñol, Dr. Ghadi Nathan Sorilla, Atty. Regerick Benito, Connie Ganion Dumato, La Esperanza Brgy. Chairman Erwin Angulo, Minapan Brgy. Chairman Jonathan Alcapasa, Kanibong Brgy. Chairman Maricel Dado, at Sibsib Brgy. Chairman Benny Dazo.//idcd-pgo//