Amas, Kidapawan City- Nakiisa nitong araw ng Biyernes sa pagdiriwang ng 2021 indigenous peoples (IPs) month ang mga katutubo mula sa iba’t-ibang bayan ng lalawigan ng Cotabato.
Bilang kauna-unahang IP governor ng lalawigan nakiisa at personal na nagpaabot ng kanyang pagbati sa mga katutubo ng probinsya si Governor Nancy A. Catamco.
Binigyang diin ng ina ng lalawigan sa kanyang mensahe ang patuloy na pagsisikap ng kanyang liderato na mapangalagaan ang mayamang kultura ng mga katutubo at matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga ito.
Kasabay ng naturang aktibidad ang book launching ng librong isinulat ni Senior State Solicitor General Atty. Melanie Pimentel na pinamagataang ” The Indigenous Peoples Right Act: Commentaries and Guide in Practice at ang paglagda ni Governor Catamco ng Executive Order sa paglulunsad ng Task Force Ancestral Domain na may layuning patatagin ang pagpapangalaga at pagprotekta ng mga lupang pag-aari ng katutubo.
Ipinamahagi din ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) sa pangunguna ni NCIP Provincial Director Eric Mundog Raz ang labing apat na Cerficate of Ancestral Domain Title sa mga katutubo ng Carmen, Magpet, Libungan, Matalam, Makilala, Kidapawan City, at Arakan.
Nakiisa rin sa pagdiriwang si Board Member Philbert Malaluan, NCIP and OPPAP Consultant Atty Reuben Lingating, NCIP Commissioner for Central Mindanao Bae Limpayen Jennifer Sibug-Las, Tuklas Katutubo Founding President Datu Panguliman Jason Sibug, Mindanao IP Council of Elders Chairman Datu Lipatuan Joel Unad at dating Provincial Administrator Efren F. Piñol.//idcd-pgo//